"Letting me go is enough for me dahil alam kong hindi naman kami pababayaan ni Micael. Pero masyadong matagal ang isang taon. I'm sorry."

"Okay, okay, what about 8 months?"

"Let say mapapayag mo ko at maibalik ang memory ko, anong mangyayari?"

"If I were to choose and decide, I want you to stay with me. But because I love you so much, kung bumalik man ang alaala mo, ikaw pa rin ang magdedecide kong gusto mong manatili sa tabi ko..."

"Pano kong ganun pa rin ang maging desisyon ko? Paano kong gusto ko pa rin makawala sayo?"

"Then...I'll respect your decision. Kahit masakit, I'll...I'll set you free."

"Ganun din naman pala ang ending, pakakawalan mo din ako, then why offer me this deal? Bakit hindi mo na lang ako pakawalan ngayon?" She said sarcastically.

"Kasi naniniwala pa din ako na pipiliin mong manatili sa tabi ko. At least, magtagumpay man ako o hindi, ipinaglaban pa din kita hanggang sa huli, because you are worth fighting for Kirsten."

"Ibang klase ka din eh noh? Ang tibay ng loob mo. Nasabi ko na ang lahat, ipinagtabuyan na kita, kung anu-anong masasakit na salita na ang binitiwan ko pero hindi ka pa rin sumusuko." Tumahimik ito upang panandaliang mag-isip.

Hindi rin umimik si Edward nung mapansing nag-iisip ang dalaga. Ilang sandali pa...

"Sige, alang-alang sa tibay ng kalooban mo, pumapayag na ko. Pero matagal pa rin ang walong buwan, 5 months lang ang kaya kong ilaan para sayo."

"Fi...five months?"

"Oo, kung talagang malaki ang tiwala mong mapapabalik mo ang memorya ko, siguro naman enough na ang limang buwan. Pero kung ayaw mo~"

"No, five months is fine. T-thank you." Kahit papano, nabuhayan sya ng pag-asang mababawi nya ang asawa dahil sa pagpayag nito sa deal nya. Though he only had 5 months to be with her, still, he's very happy.

"So, what are the conditions and rules sa pagpayag ko?"

"You and the twins will stay with me for five months."

"Titira kami sayo?!"

"Yes."

"No, ayoko."

"I only have five months, please, ibigay mo na sakin 'to. Pag natapos naman 'to, nasayo na lahat ng desisyon. Please."

She raised an eyebrow and crossed her arm around her chest. "Okay fine! Ano pa?!"

"Kapag nasa public tayo, we need to act as a happy couple. Maliban sa kapatid ko at sa big 4, hindi pwedeng malaman ng ibang tao ang tungkol sa annulment."

"Hmmn...ano pa?"

"Hangga't hindi pa na-aannul ang kasal natin, you're still my wife, so you will do wife duties."

She took a deep breath. "If you mean 'to have sex with you', sorry I can't do that."

His eyebrow furrowed. "Hindi yan ang ibig kong sabihin okay? Hindi ako ganyang klaseng tao. Kahit may karapatan ako sayo, kailanman hindi nawala ang respeto ko sayo. Kaya please, wag mo na ulit ako insultuhin ng ganyan." He stated firmly.

She shrugged her shoulders. "Okay, if it's not what you mean by 'do wife duties' then I'm sorry."

The expression on his face softens. "All I ask, is for you to be my wife, yun lang." She nodded in response. "I'll help you, but please, tulungan mo din ako. Let's work this out together."

"Sige. Yun lang ba ang mga conditions mo?"

"And one more thing, bawal kang makipagkita o makipag-usap kay Micael hangga't hindi natatapos ang deal."

"What?! Seriously?!"

"Oo. Ayaw mo naman sigurong makasuhan ka ng adultery."

"So, kakasuhan mo ko?"

"Hindi. Dahil tiwala naman ako na hindi mo gagawing makipagkita o makipag-usap sa kanya."

She just rolled her eyes on him. "Fine! I'll obey your rules, but make sure na tutupad ka sa usapan! At siguraduhin mo rin na after ng deal, ma-aannul talaga yung kasal natin sa lalong madaling panahon!"

"Don't worry babe, with my connections, mabilis na lang yang annulment na yan...that is, if I lose. Pero sa tingin ko, you will still choose to stay with me." He said confidently.

"Huh...we'll see."

"Yeah." Ngumiti lang sya. Kinakabahan sya sa kung anong magiging resulta ng deal na inoffer nya sa dalaga ngunit malaki pa rin ang tiwala nyang mababawi nya ito.

"Kelan ang simula ng deal? Wag mo ng patagalin para matapos kaagad."

"Don't worry babe, bukas na bukas start na tayo."

"Sige. So we had a deal then?" She laid her hand for a handshake.

"Deal." He held her hand, but instead if a handshake, he pulled her hand on his lips and kissed it.

Agad namang binawi ng dalawa ang kamay nito mula sa binata dahil sa pagkagulat. He chuckled when he saw her blushed.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" She asked irately to hide her burning cheeks.

"Wala naman. Na-missed ko yang pagba-blushed mo, na-missed kita."

"Ha-ha, ang corny mo!" She said sarcastically.

"Minahal mo kaya ako dahil sa ka-cornihan ko. Kaya mag-ingat ka, baka wala pang limang buwan, mahulog ka na."

"Tse! In your dreams!"

"I love you too." He taunted. Inirapan lang sya ng dalaga. "By the way, it's late, dito kana matulog. May guest room naman dyan sa taas." Simula kasi nung inakala nyang patay na si Kirsten, madalas syang manatili sa restaurant kaya ang second floor nito ay pinaconvert nya sa bahay.

"Wag na, may pinareserve akong hotel."

"I insist, dito ka na matulog. Mas safe ka dito."

"Mas safe nga ba ako dito?"

"Oo naman, harmless ako. Unless, you want to unleash the beast in me."

"Very funny."

"Seriously, dito kana matulog. Hindi ko hahayaang umalis ka ng mag-isa."

"Ugh! Sige na nga! Wala na kong energy para makipagtalo sayo."

"Great! Let's go inside."

Binuhat nito ang mga gamit nito sa loob at inalalayan nya ang asawa hanggang sa makapasok na sila sa loob ng restaurant.

Sobrangsaya nya ng mga oras na yun, akala nya, tuluyan ng mawawala sa kanya siKirsten. He's very thankful that he was given the chance to win her back, to patchthings up and fix his life.     

~Through this deal, will he be able to win her back? or it would only bring him another heart break?~


A/N: Ayan, masaya na si Edward...hihi..=) Please don't forget to vote and feel free to leave a comment. Thank you so much guys! 




A CHANCE FOR ME AND YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon