Chapter 7

7.9K 317 39
                                    

Medyo late na nakarating sa Thailand si Karylle. Nangamba siya na baka hindi na niya makausap pa si Yael. Dumiretso siya agad sa hotel kung saan ito nakacheck-in. Nang tanungin niya ang receptionist, hindi sila maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa mga customers nila. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kaya nagcheck-in na lang din siya para masubukan niyang libutin ang buong hotel. Naglalakad siya papunta ng elevator nang saktong may lalaking nanguna sa kanyang maglakad. Likod pa lang ay nakilala niya na ito.

Karylle: Yael...

Napalingon si Yael at nabigla pagkakita niya kay Karylle.

Yael: Anong ginagawa mo rito?

Karylle: Ahh.. Nasabi sa 'kin ni Ysabel na nandito ka.

Yael: Karylle... I'm not yet ready to talk about anything.

Karylle: But we need to face this. We need to fix this.

Yael: We have nothing to fix, K.

Karylle: I demand for an explanation, Yael. Can you just give me that at least?

Hindi na kumontra pa si Yael. They walked together at the middle of the night. Walang nagsasalita. Naghihintay silang pareho kung sinong mauunang magsalita pero parang parehas silang hindi alam ang sasabihin. Hindi komportable si Yael sa sitwasyon kaya naman siya na ang nagsimula para matapos na.

Yael: You're in love with him, aren't you?

Karylle: I didn't come here for Vice. 

Yael: But we can't exclude him sa issue nating dalawa.

Karylle: Bakit ka umatras? Yael... I love you. You know I really do.

Yael: Please stop saying that, K. I can't take it.

Karylle: *naluluha* Hindi ka naniniwala?

Yael: Mahal mo 'ko. Alam ko. Pero lahat ng pinagsamahan natin, nawala lahat when you fell for that... *nagpigil* Alam mo ba 'yong pakiramdam, K na 'yong taong pinakagusto mong makasama maaagaw lang ng iba... ng isang bakla? Mahal kita, Karylle. Pero sa isang iglap, nag-iba tayo. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa kanya pero alam ko, K... Kung itutuloy natin ang kasal, hindi ka magiging masaya sa akin dahil nararamdaman ko, kahit paulit-ulit mong itanggi, mas mahal mo na siya.

Karylle: Why are you doing this? Alam mo bang handa ko siyang kalimutan para sa 'yo?

Yael: K... Hindi na tayo bata para maging sentimental. I am just being reasonable and rational. I want a peaceful life. Ayoko ng gigising ako araw-araw na iisipin ko makikita at makakasama mo pa rin siya sa trabaho o kung saan pa. Karylle, I am giving you the freedom to love someone you think you deserve.

Karylle: I'm sorry. *napayuko at umiiyak* Hindi ko sinasadyang saktan ka.

Yael: *naluha na rin* I am broken, K. I need time to heal. 

Karylle: Sorry.

Yael: Sorry din kung nag-decide akong iwan ka sa araw ng kasal natin. Ayokong gawin. Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin na... *napalunok na kasi sobrang nasasaktan na siya*

Deciphered -=ViceRylle=-Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang