Chapter 17

2.7K 149 14
                                    


Sa opening ng mga hosts sa Showtime, kahit katabi ni Vice si Karylle parang gusto niya itong hawakan at dikitan talaga. Habang nagsasalita noon si Billy at Anne, lumapit si Vice at pasimpleng umakbay kay K. Hinalikan niya ito sa buhok.


Billy: Ikaw, Bestie... *tingin kay Vice* Ano ang para sa 'yo magandang pampa-good vibes sa umaga? 'Yong tipong nakakapagpangiti sa 'yo pagkagising mo.

Jugs: Si Karylle na 'yan.

Vice: *natatawa* Basta lang magising ako sa umaga, pampa-good vibes na 'yon. *humiwalay kay K* Kasi sa araw na 'yon binigyan pa 'ko ng chance ni Lord para mapasaya ang madlang pipol at ang mga mahal ko. *lingon kay Karylle at yakap sa likod nito*

Jugs: Vicerylle! Vicerylle!

Kim: Tama si Vice, Billy. Kasi di ba sa pagtulog naman natin sa gabi wala naman tayong assurance na gigising pa tayo kinabukasan. Kaya dapat tayo laging nagpapasalamat sa Kanya.

Anne: Tama ka diyan, Kuya Kim. Kaya tayong lahat na nandito ngayon dapat positive lang sa life kahit pa magulo ang nangyayari sa paligid.

Vice: *lumakad papunta sa gitna ng stage* At dahil nandito kami ngayon sa harapan niyo, madlang pipol. Masaya. Walang sakit. At dahil nandyan kayo, na punung-puno ang energy! Lahat tayo ay pinagpala kaya dapat tayong sumigaw sabay-sabay... AURA!!! *sabay pose sa harap ng camera*


Sabay-sabay lahat sumunod kay Vice sa pag-aura. Nakakatawa ang mukha ng iba sa audience. Si Anne at Karylle, effortless sa pag-aura. Sexy pose lang.


Vice: Oh di ba... ang saya lang! Good vibes lang. *bumalik sa mga kasamang hosts*

Vhong: Teka, hindi pa pala natin natatanong si K kung anong nagpapagood vibes sa kanya.


Nagtinginan ng nakangiti at tila nag-uusap sina Vice at Karylle. Maraming kinilig noon na nanonood sa kanila.


Karylle: Ako... Tuwing umaga lagi ko lang iniisip na, it's a new day for me to live a new life. Para makabawi sa mga nasaktan ko and a chance for me to heal myself.


Nakangiti lang na nakatingin si Vice kay Karylle.


Billy: Ngiting-ngiti si Vice oh...

Vice: Hindi. Natutuwa lang akong marinig si Karylle na ganyan. Kasi walang halong biro, dito sa Showtime nakangiti lang 'yan. Masaya. Akala mo walang pinagdaraanan. Pero sa bahay, sa totoong buhay, she's struggling to forgive herself and move on.

Vhong: Wow, english!

Vice: No joke. *medyo seryoso* Mabigat sa loob na makasakit ka ng taong mahal mo. Lalo na kung hindi mo naman intensyon na makasakit talaga. *umakbay kay Karylle* Basta lang alam mo ang maling nagawa mo at natuto ka sa pagkakamali na 'yon. Di naman natin kailangan maging perpekto sa buhay.

Karylle: At nagpapasalamat din ako sa 'yo. *tumingin kay Vice* Dahil nandyan ka parati para sa 'kin. Hindi mo 'ko pinabayaan.

Vice: Oo. Kaya nga kahit no'ng nahuhulog ka na, nando'n pa rin ako, para saluhin ka. *kumindat na natatawa kay K*

Anne: *natawa na medyo kinilig* Havey 'yon!

Billy: Kaya madlang pipol, sama na kayo. Papasayahin namin kayo.

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now