Chapter 6

8.8K 307 72
                                    

Sa kabila ng mga nagaganap sa likod ng kasal nina Yael at Karylle ay wala pa ring kamalay-malay ang mga taong dumalo na hindi na ito matutuloy. Gustong tumakbo ng mabilis ni Karylle ng mga oras na 'yon dahil hindi niya maunawaan ang pag-iwan sa kanya ni Yael. Ngunit kailangan niyang maging matatag kung hindi ay wala siyang magagawa kung hindi ang tumakas na lang. Pinatawag ni Karylle ang parents ni Yael at kasabay na doon ang pamilya ni K. Kahit mga magulang ni Yael hindi nila alam ang nangyari dahil kasama pa nila ito sa hotel. Hindi man lang nila nahalata ang plano ni Yael. Tinatanong nila kung may problema ba sila ni Karylle pero sa pagkakataon na 'yon pinili na muna niyang huwag magsalita dahil gusto niyang magkausap muna sila ni Yael. Pinag-iisipan nila kung paano sasabihin ang lahat sa mga tao at mapigilan ang paglabas nito sa media.

Habang nagaganap ang pag-uusap na iyon sa labas ng simbahan ay saktong may tumawag sa cellphone ni Vice. Ang kapatid niya. Kaya lang mahina ang signal sa loob ng simbahan, wala siyang maintindihan sa kausap niya kaya lumabas ito. Nakita niya si Karylle na kausap ang Mama ni Yael. Yumakap ito at nakita niyang umiiyak na si K. Bigla siyang nagpaalam sa kapatid niya kasi parang masama ang kutob niya sa mga nakita niya. Lalapit na sana siya pero dahil alam niyang hindi iyon makakabuti ay nanatili na lang siya sa kinatatayuan niya at inaabangan na lang niya ang mga susunod pang mangyayari.

Maya-maya, isa-isa na silang pumasok bukod lang kay Karylle. Nakatayo lang siya sa gilid ng bridal car. Hindi tumitigil ang pag-iyak kaya naman hindi na nagdalawang isip si Vice na lapitan ito.

Vice: K...

Tumingin lang si Karylle at saktong dumating na ang tila hinihintay niyang sundo.

Karylle: I'm sorry, Vice...

Iyon lang ang tanging nasabi ni K. Sumakay na ito sa sasakyan at saka umalis. Biglang lumabas ng simabahan si Billy. Nilapitan niya si Vice. Naabutan din niya ang pag-alis ni Karylle.

Billy: Vice, si Yael ang umatras.

Vice: Ano?!

Billy: Hindi rin alam ng mga magulang ni Yael. Sila ang nagsasalita sa loob. Anong nangyari? Nagkausap ba kayo ni Karylle?

Vice: Billy, kasalanan ko ba 'to?

Billy: Di Bestie... Desisyon ni Yael 'yon. Wala rin tayong idea kung ano bang nangyayari sa kanilang dalawa.

Vice: Susundan ko muna si K.

Billy: Di ba mas makakagulo 'yon?

Vice: Nagi-guilty ako, Billy.

Billy: Vice, hindi naman si Karylle ang umatras. Si Yael.

Hindi na nakinig si Vice kaya umalis na rin siya. Sinundan niya si Karylle pero ang totoo hindi niya lam kung saan ito nagpunta. Nagbakasakali na lang siya na umuwi ito sa bahay niya.Pagkarating niya sa harap ng unit ni Karylle, hindi naka-lock ang pinto. Nagkalat ang hinubad na belo, wedding gown at alahas sa sahig ng living room. Dinampot niya 'yon nang biglang may marinig si Vice na kalabog galing sa kwarto. Dali-dali itong pumasok.

Vice: K!

Pagpasok ni Vice, nakita niya sa floor si Karylle na nakaupo at umiiyak. Lumapit si Vice at niyakap na lang niya itong bigla. Tuluy-tuloy lang ng pag-iyak si Karylle. Halos pagkalipas ng isang oras ay medyo tumigil na rin si K at lumayo ng bahagya kay Vice.

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now