Chapter 18

4.3K 181 64
                                    


Hinayaan nang matulog kasama ni Vice si Karylle sa kwarto niya. Malamig ang aircon. Magkatabi sila. Tahimik. Dim yellow lights with mellow music. Hindi nag-uusap ang dalawa. Nakatingin si Karylle kay Vice. Habang si Vice nakatingin lang sa ceiling.


Vice: *lumingon kay K* Tingin mo tayong dalawa na kaya talaga?

Karylle: Sana...


Tumahimik ulit si Vice at tumingin ulit sa ceiling. Lumapit naman si Karylle at yumakap sa dibdib ni Vice.


Karylle: *hinawakan ang kamay ni Vice* Sana lagi tayong ganito.

Vice: *smirked* Hmm.. Gusto mo lang talaga kong nakakatabi palagi. *pang-asar*

Karylle: Oo. Kasi gusto kitang kasama. *lumapit ang mukha kay Vice* Kausap. *lumapit pa* Halikan. *hinawakan ang mukha ni Vice at dahan-dahan hinalikan ito sa labi*


Napahawak si Vice sa siko ni Karylle. Tumugon siya sa halik nito. Dahan-dahan. Puno ng pag-iingat hanggang sa maramdaman niyang gumagalaw ang katawan ni Karylle lalong padikit sa katawan niya. Hindi maintindihan ni Vice ang nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Imbis na umalma ay lalo siyang sumabay sa galaw ng katawan ni Karylle. Napayakap siya kay K sa bewang hanggang sa pumwesto si Karylle sa ibabaw niya. Dahil do'n, bumalik siya sa kanyang ulirat at tila may bahagi ng katawan niya na tumatanggi sa mga nangyayari. Huminto siya sa pagtugon kay K. Inilayo niya ang mukha niya rito.


Karylle: What's wrong?


Hindi sumagot si Vice.

Bumangon ng bahagya si Karylle. Desmeyado. Pikon. Nahiya. Halo-halong emosyon. Napahiga siya sa kabilang parte ng kama at tumalikod kay Vice. Hindi sila nag-uusap. Tumingin si Karylle sa katabi niya pero umiiwas na ito sa kanya. Sa asar niya, nawalan na siya ng gana na makatabi ito. Ang gusto na lang niya ay umalis. Bumangon siya at naglakad palayo.


Vice: K... *bumangon* Sa'n ka pupunta?


Hindi sumagot si Karylle at kinuha niya ang mga damit sa bag niya na nakapatong sa tabi ng maliit na cabinet ni Vice.


Vice: Uyy... *lumapit kay Karylle* Sorry.


Wala pa ring imik si Karylle. Ang totoo, naiiyak na siya sa mga oras na 'yon.


Vice: Mine, sorry. *hinawakan si K sa braso* Hindi ko pa kasi talaga kaya.

Karylle: *lumingon kay Vice* Hindi kaya ang alin? *medyo asar*

Vice: 'yong  gusto mong mangyari.

Karylle: So iniisip mo na gusto ko may mangyari sa atin?

Vice: Ano ba 'yong kanina?


Lalong nainis si Karylle. Dali-dali siyang naglakad papunta ng CR pero hinabol at pinigilan siya ni Vice.


Vice: Mine, wag ka naman magalit. Intindihin mo naman ako.

Karylle: Pinipilit ko, Vice! *tumaas ang boses* Kung bakit iniiwasan mo 'kong makatabi. Kung bakit hindi kita halos mahawakan kapag nasa ganito tayong sitwasyon. Pinipilit ko ang sarili kong intindihin ka. Pero ngayon... *umiling* hindi na kita maintindihan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now