Chapter 3

10.3K 283 62
                                    

Sobrang seryoso na nina Karylle at Vice sa pag-uusap nila nang biglang sumingit si Billy. Lumapit ito sa kanila. Inakbayan niya sina Vice at K.

Billy: Uy bawal absent bukas ha.

Vice: Umoo na nga ako sa 'yo kanina eh.

Billy: K?...

Karylle: Billy, baka hindi ako makasama kasi bukas kukuha na ako ng hotel reservation para sa mga kamag-anak namin ni Yael na luluwas dito.

Billy: Ngayon ka na magpareserve. Sige na. Last chance ka na namin makakasama oh..

Karylle: Di pa naman ako mamamatay. Next time na lang.

Billy: Bilang single kasi...

Vice: Pumayag ka na. Isasabay ko na rin 'yong treat ko sa inyo do'n sa trip nito ni Billy.

Karylle: Magpapaalam muna ako kay Yael.

Billy: Sige na, K... *tumingin kay Vice* Convince mo nga si K. Alam kong di ka hihindian nito.

Vice: Hala bakit ako?

Billy: Dali na para kompleto tayo. Minsan lang din pumayag si Anne. Libre siya bukas.

Karylle: Isasama ko na lang si Yael.

Nagtinginan sina Billy at Vice. Dahil mas malapit na kaibigan ni Billy si Vice ay mas gusto rin niyang mas magkaroon sila ng panahon sa isa't isa bago man lang ikasal ang kaibigan nila na si Karylle.

Billy: Showtime hosts lang sana. Exclusive. At saka overnight lang naman tayo.

Karylle: Overnight? Paano 'yon? Hindi tayo lahat papasok kinabukasan?

Vice: Magdadala ka na ng outfit mo kasi diretso na tayo dito pag-uwi.

Karylle: Baka hindi ako payagan ni Yael.

Billy: Bakit naman? Atsaka last na lang 'to na masosolo ka namin kasi after ng kasal mo siyempre kay Yael ka na.

Nag-isip si Karylle. Bigla ng humirit si Vice.

Vice: Makakasama mo naman ako, K. Magpapakalalake ako sa 'yo do'n.

Napatingin si Karylle kay Vice. Pati si Billy nabigla sa sinabi ni Vice.

Billy: Di nga?

Vice: Oo. *nakatingin pa rin kay Karylle* Take the chance or just leave it as it is.

Karylle: I hate you. *nakatingin lang kay Vice*

Vice: Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.

Billy: Papayag na 'yan. Papayag na 'yan.

Karylle: Sige na. Sige na. *sobrang nainis kasi hindi siya makatanggi* Sige na.

Billy: Yess!!!

Vice: Kung maka-yes naman 'to parang sinagot ka na ni Coleen.

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now