Chapter 13.2

2.8K 143 22
                                    

Nang gabi no'n gumulo bigla ang isip ni Vice. Maraming bagay ang pumapasok sa isip niya na ayaw sana niyang i-entertain. Kaya nagbihis na lang siya at lumabas mag-isa. Nagpunta siya sa isang resto bar malapit lang sa may Timog. At dahil weekday, wala masyadong tao. Umorder lang siya ng isang baso ng alak. Tahimik lang siyang nakatingin sa cellphone niya. Tumitingin ng pictures sa gallery. Naisip niyang wala pala silang masyadong pictures ni Karylle. Wala pa sa sampo ang nasa gallery niya mula no'ng maging sila. Hanggang magtext si Karylle.

>> Saan ka? Hindi ka nagpaparamdam.

Napainom ng alak si Vice bago magreply.

>> Lumabas lang ko, Mine. Dko papagabi. ❤

Hindi naman kaagad nakapagreply si Karylle dahil may niligpit siyang gamit sa cabinet.

Biglang naging senti ang resto bar nang tumugtog ang "Just Tell Me You Love Me." Napabuntong hininga si Vice dahil parang may luhang gustong tumulo sa mata niya. Uminom siya ng alak. Paglingon niya, may nakita siyang dating kaibigan. Nilapitan siya nito.

Vice: Hoy Drake, pormal na pormal ka ah. Ano ng balita sa 'yo?
Drake: Ayos ba?
Vice: Bagay sa 'yo. Bigtime ka na 'no?
Drake: Hindi naman. Napromote lang ako bilang assistant manager sa pinapasukan ko.
Vice: Hanep! Samantalang dati, tambay tambay lang sa Retiro 'no?
Drake: Hoy, tambay pa rin ako do'n. Ikaw na lang bihira ko makita. Sa tv ko na lang nakikita 'yang mukha mo.
Vice: Hoy, pumupunta pa rin ako do'n 'no! Wala naman nagbago sa 'kin. Makabigtime ka diyan.
Drake: Sus, balita ko sumusuporta ka na ng buong basketball team ngayon. *natatawa* Samantalang kami dati, ice tubig lang sagot mo sa 'min.
Vice: *natatawa na rin* Rereklamo pa 'to! Buti nga nakakatikim ka pa no'ng pa-ice tubig kong di naman para sa 'yo!
Drake: Sinong kasama mo ngayon?
Vice: Solo flight ako.
Drake: Seryoso?
Vice: *lumingon lingon sa tabi* Bakit may nakikita ka bang kasama ko na di ko nakikita?
Drake: Abnoy 'to. Anong ganap sa 'yo at solo flight ka?
Vice: Kailangan ba may ganap para makapag-solo flight? Di ba pwedeng bet ko lang ng katahimikan?
Drake: Ikaw? Gusto ng katahimikan? *umupo sa tabi ni Vice at tinawag ang bar tender* Boss, isang SanMig Lights.
Vice: Bawal ba?
Drake: *tumingin ng medyo matagal kay Vice* Alam mo, kung babasahin ko 'yang mukha mo ngayon. Sasabihin ko sa 'yo, hindi ka masaya.

Napainom na naman ng alak si Vice. Dumating na rin ang beer ni Drake.
Matagal ng magkaibigan sina Vice at Drake. Nagsisimula pa lang si Vice sa comedy bar nang maging kabarkada niya si Drake. Straight na lalaki ang kaibigan niya pero kahit kailan hindi sila nagkaroon ng malisya sa isa't isa.

Drake: Sa tagal na kitang kilala, kabisado ko na kung kailan ka masaya at hindi. *lagok ng beer* So dahil ba 'yan sa issue mo ngayon?
Vice: Issue?
Drake: Balita ko pinatulan mo talaga si Karylle. Tama ba? Pumatol ka na sa babae?
Vice: *naging seryoso* Mali ba?
Drake: Totoo nga na kayo?
Vice: Oo. Pero parang may mali.
Drake: Anong ibig mong sabihing mali?
Vice: Simula pa lang kasi komplikado na kaming dalawa. Parang 'yong mga relasyon kong bawal. Relasyon kong kahit kailan hindi matatanggap ng mga tao. Relasyon na kahit gusto mong magtagal alam mong hindi magtatagal. *uminom ulit ng alak*
Drake: Mahal mo ba talaga siya?
Vice: Mahal ko naman si Karylle. Pero alam mo kasi no'ng unang beses na sinabi niya sa 'kin na mahal niya ko. Iba 'yong naramdaman ko. Hindi ko maipaliwanag. Hanggang sa pumasok na sa isip ko, posible bang mahulog ang loob ko sa kanya. Mabuti siyang babae, Drake. Mula no'n namimiss ko na siya. Lagi ko siyang naiisip. Nakakaramdam na 'ko ng selos. Hanggang sa pakiramdam ko, gusto ko ng maging kami. Pero ngayong kami na. Nakakasama ko siya. Nahahawakan. Nayayakap. Lagi kaming nagkakausap, pero parang may mali. Parang may kulang. Masaya ako pero hindi gano'n kasaya.
Drake: Vice, simple lang naman 'yan.
Vice: Anong simple do'n? Marami kaming nasaktan. Isa na do'n si Yael na wala namang kasalanan.
Drake: Iniisip mo lang kasing komplikado. Isang dahilan kung bakit di ka masaya, kasi alam mong may nasaktan ka. Pangalawa, oo mahal mo si Karylle at masaya ka sa kanya but at the end of the day you still can't change the way you are. Kasi pangatlo, bakla ka. At pilit mo 'yang binabago para kombinsihin ang sarili mo na tama ang desisyon mong panindigan siya. Kaya hindi ka talaga masaya.

Hindi nakasagot si Vice.

Drake: Iba kasi Vice, ang babae. May chance sa forever. Sila kasi committed parati sa relasyon. Unlike us, minsan ego o pride lang ang nakikipagcommit. Hindi ang puso natin.
Vice: So sinasabi mo, hindi ko talaga mahal si Karylle?
Drake: Vice, mahal mo. Given na 'yon. Kaibigan mo 'yon eh. But it's not the same kind of love na meron siya para sa 'yo.

Napayuko si Vice at naluha.

Drake: Uyy teka lang *napatayo at lumapit kay Vice* ba't ka umiiyak?
Vice: *nakatakip sa mukha* Hindi ko kayang saktan si K. Hindi ko siya kayang iwan.
Drake: Di ko naman sinabing iwan mo siya. Ang sinasabi ko lang, nachallenge ka lang sa sitwasyon. Kasi ikaw ang pinili. Ikaw ang minahal.
Vice: Pero lahat ng sinabi mo, 'yon ang totoong gumugulo sa isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. *lalong umiyak*

Dinamayan lang siya ni Drake.

Bago pa mag-umaga, dumaan muna si Vice sa bahay ni Karylle bago umuwi. Kahit hindi maayos ang mukha niya wala na siyang pakialam.

Pagkabukas ng pinto ni Karylle, yumakap bigla si Vice.

Karylle: Vice...
Vice: *naluha na naman* Magagalit ka ba sa 'kin?
Karylle: *bumitaw* Bakit ako magagalit? *pinunasan ang luha ni Vice* Mine, anong problema?
Vice: K, I think we need a break.
Karylle: Break? Anong break? *kinabahan*
Vice: Nahihirapan na kasi ako. Pakiramdam ko may mali sa 'kin. Sa atin. *naluha* Karylle, mahal kita pero hindi na 'ko masaya.
Karylle: *naluha* Are you breaking up with me?

Tumango lang si Vice at naiyak na ng todo.

Karylle: Bakit naman ganito, Vice? Nilagay mo ako sa sitwasyon na wala na akong magawa.
Vice: Maniwala ka, K. Ayaw kitang saktan.
Karylle: But you're hurting me. *umiiyak na*
Vice: Nasasaktan din ako, Karylle. Sobra akong nasasaktan dahil pinapaiyak kita. Pero... *tumulo na naman ang luha* mali tayong dalawa. Dahil kung natuloy ang kasal niyo ni Yael, mas okay yata ang sitwasyon natin.
Karylle: *medyo pasigaw* Bakit ba palagi mong sinasama 'yong sa amin ni Yael? Problema natin 'yong nangyari sa amin, oo.. pero 'yong ngayon, tayong dalawa lang 'to. Please Mine, ayusin muna natin 'to.
Vice: *umiling* Hindi tayong dalawa lang 'to, K. Mali na naging tayo. Si Yael ang bagay sa 'yo. Kayo dapat. Hindi tayo.
Karylle: Why do keep on insisting him to me?! Wala na nga siya, Vice! Iniwan na niya ko. He's out of my life. Ikaw na ang mahal ko! Di pa ba sapat sa 'yo 'yon?
Vice: Bakla ako, Karylle. Bakla ako!
Karylle: Alam ko. Tanggap ko naman kung ano ka.
Vice: Wag na natin 'to ipilit.
Karylle: So iiwan mo na rin ako?

Hindi sumagot si Vice.

Karylle: Fine. Sige na. Umalis ka na. *tinulak si Vice* Umalis ka na rin sa buhay ko.

Naluha si Vice. Napayakap siya kay Karylle. Umiyak lalo si K pero tinutulak na niya si Vice palabas.

Karylle: Umalis ka na! Kung diyan ka magiging masaya, di na kita pipigilan pa. *tuloy pa rin ang iyak*

Sobrang nasasaktan si Vice pero kailangan niyang maging matapang kasi lalo niya lang masasaktan si Karylle kung magpapatuloy sila. Lumabas si Vice ng pinto at sinaraduhan siya ni K. Napaupo si Vice sa sobrang sakit ng ginawa niya pero 'yon lang ang iniisip niyang solusyon para maging maayos sila. Patuloy pa rin ng iyak sa kwarto si Karylle.

Habang nagmamaneho, iniisip ni Vice kung paano na sila ni Karylle sa trabaho.

[Hello my dear readers/followers, I got more than a month of vacation. Due to public demand hehe I will add few more chapters here. Still not sure how will I end this complicated story haha. But thanks for continuously reading all my works, specifically, The Irony. Sana nagustuhan niyo itong update ko. God bless, guys!]

Deciphered -=ViceRylle=-Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang