Chapter 2

10.3K 289 81
                                    

Mag-uumaga na ng matapos mag-usap ang dalawa. Maayos na sila. Nakipagkwentuhan na ulit si Vice kay Karylle at tulad ng normal na Vice, puro kalokohan lang ang naging ending ng usapan nila. Marami-raming nainom si Karylle kaya habang lumalakad siya ay nakakaramdam na siya ng pagkahilo.

Vice: Oh,,, *inakbayan si Karylle* Hala may tama ka na. Yari na naman ako sa jowa mo.

Karylle: I'm okay. *hawak sa noo niya*

Vice: Huwag ka na magpasundo. Ihahatid na lang kita.

Karylle: Vice, I'm okay. Don't worry, I'll be fine.

Vice: Hindi kita iiwan mag-isa rito 'no. Hindi pa nga sumasagot ang driver mo.

Karylle: Di ka ba nakakaramdam ng hilo man lang?

Vice: Init lang ng katawan.

Biglang tinignan ni K si Vice.

Vice: Hahaha. Kinabahan ka naman agad. Kaunti lang ang nainom ko 'no. *bumitaw sa pagkakaakbay kay K*

Karylle: Vice...

Vice: Bakit?

Karylle: Pagbalik mo galing sa Amerika, ikakasal na 'ko.

Vice: Bakit? Kailangan mo ba 'ko sa pagpe-prepare sa kasal mo?

Karylle: I can't continue like this.

Vice: Alam mo lasing ka na talaga.

Karylle: *umiling* I know what I'm saying, Vice.

Vice: Wag na natin 'to pag-usapan ha. At... Ihahatid na kita.

Karylle: Okay na 'ko dito.

Vice: Pumayag ka na. Pambawi mo na lang sa pagsapak sa 'kin ni Yael.

Natawa si Karylle sa pagkakasabi ni Vice. Pumayag na rin siya. Tahimik lang na nagmamaneho si Vice. Umidlip din muna sa kotse si Karylle. Pagkarating nila sa entrance ng condominium na tinitirahan ni K ay ginising na ni Vice ang kaibigan niya.

Vice: Tara K, hatid na kita paakyat sa unit mo.

Karylle: *bagong gising* Ahh.. Sorry nakatulog ako.

Vice: Okay ka na ba?

Karylle: Oo. *tinanggal ang seatbelt* Salamat.

Pababa na sana si Karylle nang biglang bumaba ng sasakyan si Vice at pinagbuksan siya ng pinto. Nakatingin lang siya sa mukha nito. Sa isip ni Karylle, hindi alam ni Vice kung anong tipo siya ng lalake. Bumaba na rin sa sasakyan si K.

Vice: Nahihilo ka pa ba?

Karylle: Hindi naman na.

Vice: *hinawakan ang noo ni K* Mainit ka pa. Samahan na kita paakyat.

Karylle: Hindi na. *tinutulak si Vice* Umuwi ka na.

Vice: Ayaw mo na ba makita ang mukha ko?

Karylle: Ano?

Vice: Wag ka na kasing makulit. Ihahatid na kita hanggang makapasok sa loob ng bahay mo.

Deciphered -=ViceRylle=-Onde as histórias ganham vida. Descobre agora