Chapter 16

2.8K 144 40
                                    

Sinamahan ni Vice si Karylle sa guestroom. Nang gabi na 'yon hindi siya makatulog kaya lumabas na muna siya ng kwarto para magpaantok gamit ang ipad niya. Nagpunta siya sa sala at humiga sa sofa. Tingin lang sa twitter at youtube. Nag-check ng updates. Halos isang oras din ang lumipas nang makita niyang bumababa si Karylle sa hagdan. Bagong gising. Magulong tali ng buhok. Suot ang shorts at maluwag na white shirt ni Vice. Lumapit siya kay Vice nang hindi nagsasalita. Tinignan lang din siya ni Vice. Kinuha ni K ang ipad na hawak niya at pinatong ito sa center table. Humiga siya sa tabi ni Vice na patalikod.

Vice: *niyakap* Bakit ka nagising?

Hindi sumagot si Karylle. Sinilip siya ni Vice, nakita niya itong nakapikit. Niyakap na lang niya si Karylle habang ang isang kamay niya ay humawak sa isang kamay din ni K, finger-to-finger. Maya-maya pa ay bumitaw ng bahagya si K at kumilos paharap kay Vice.

Karylle: Bakit di mo ko tinatabihan matulog?

Vice: Katabi mo 'ko kanina.

Karylle: Wala ka pagkagising ko.

Vice: Hindi kasi ako makatulog pa.

Karylle: Di ka ba komportableng katabi ko?

Vice: Di naman. Grabe 'to. *niyakap si Karylle sa bewang* Siguro hindi pa lang din ako sanay na may katabing babae sa pagtulog.

Karylle: Nagkatabi na tayo dati ah. Sa beach. Sa Batangas.

Vice: Oo nga.

Karylle: Pero mula no'n twice mo na kong iniiwasang makatabi.

Vice: Huh? Anong twice?

Karylle: Una no'ng kasal ko dapat. Naaalala mo? Dapat tumabi ka na lang sa 'kin no'n pero kahit inaaya kita ayaw mo. Tapos ngayon.

Vice: *huminga ng malalim* K, babae ka kasi. At kahit bakla ako, naiilang ako makatabi sa pagtulog ang mga babae. Hindi dahil babae kayo, kung hindi dahil lalake pa rin ako. Yo'n lang.

Karylle: Mine *humawak sa dibdib ni Vice* hindi naman porket tatabihan mo 'ko sa pagtulog may gagawin na tayo. Hindi naman ako gano'n mag-isip.

Vice: Alam ko. *hawi ng buhok ni K* Iniingatan lang kita. *hinalikan si K sa noo*


Hindi na nagsalita si Karylle pero nakatingin siya na medyo weird sa isip ni Vice. Nakatitig siya sa mukha niya.


Vice: Hoy, K! Ano bang tinitignan mo sa mukha ko?

Karylle: Mine...

Vice: Ano?

Karylle: *hipo sa balbas ni Vice* Mine, tumutubo na ang balbas mo. May bigote ka na rin. Binata ka na! *hipo ulit sa maliliit na balbas ni Vice*

Vice: K!!! *nakikiliti* Tumigil ka nga! *tinataboy ang kamay ni Karylle*

Karylle: *humihipo pa rin sa balbas* Ang cute!!! Bagay kaya sa 'yo may ganito.

Vice: Sige na. Tumigil ka na. *nakikiliti talaga*

Karylle: *natatawa* Mine, pahipo lang naman eh.

Vice: *napapapikit kasi parang nakukuryente na 'yong buong katawan niya* Karylle!!! *naninigas na talaga sa sobrang pigil*

Karylle: Hahaha. Sige na. Sige na. Hihinto na 'ko. *hinalikan ng mabilis si Vice sa labi* Grabe nanggigil ako sa 'yo!

Vice: Mukha nga. *ang bilis ng tibok ng puso niya*

Deciphered -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon