Chapter 11

5.8K 160 21
                                    

Ilang units na ang nalampasan ni Vice noon nang magdesisyon si Karylle na habulin ito. Una niyang hinawakan ang balikat ni Vice.

Karylle: You don't have to walk away from me. We don't need to break up.

Vice:  Kailangan natin ng space, K.

Humakbang patalikod si Karylle at bahagyang lumayo kay Vice.

Karylle: Is this enough?

Nawirdohan si Vice sa joke ni Karylle. Hindi niya maiwasang mapangiti.

Vice: Ano bang ginagawa mo?

Karylle: I'm giving you space. Isn't this enough? *humakbang ulit patalikod* Now this?

Vice: Tigilan mo na 'yan. Hindi ako nakikipagbiruan.

Karylle: Hindi rin ako nakikipagbiruan.

Vice: Alam mo simula pa lang naman ikaw na ang nagpagulo ng sitwasyon. Kung sana hindi ka nagkagusto sa akin, sana masaya ka na ngayon. Kasama siya. Pero anong nangyari? Ito na. Nandito na tayo... Tayong dalawa. Di ka ba naguguluhan, K? Masaya ka ba talaga sa ganito? Ako ba talaga ang lalaking gusto mo?

Karylle: Guilty ako. Tama. Sobrang nagiguilty ako. Dahil nasaktan ko ng sobra si Yael at ginulo ko ang mundo mo. Tanggap ko naman na kasalanan ko 'to. Kung bakit ganito... pero Vice, kung bakit tayo nandito ngayon dahil din pinakawalan niya 'ko at nagkagusto ka sa akin.

Vice: So sinisisi mo rin ako?

Karylle: No. Ang sinasabi ko lang, hindi lang ako ang nagdesisyon para sa relasyon na 'to. Di mo pwedeng sabihin sa akin na wala lang lahat ng 'to para sa 'yo kasi nararamdaman ko naman na mahal mo na rin ako. Kasi hindi ka naman maaapektuhan ng ganyan kung hindi. I know you. And we're old enough para maconfuse pa. Please wag mo na 'ko hiwalayan. Sinusubukan ko naman na mawala 'tong guilt ko kaya lang palagay ko kailangan ng panahon para maging okay na talaga lahat.

Lumapit si Karylle at hinawakan si Vice sa kamay.

Vice: Pumasok na nga tayo sa bahay mo, baka akalain pa ng mga tao may shooting dito dahil sa mga linya natin.

Ngumiti na silang dalawa at bumalik sa bahay ni Karylle. Pagsara pa lamang ng pinto, yumakap na sa likod ni Vice si K ng mahigpit. Humarap naman si Vice pero pinigilan ni Karylle.

Karylle: I love you. Nothing else matters to me now.

Humarap si Vice kay Karylle. Bigla na lamang niyang hinalikan si K.

Vice: Hindi ako sanay maging lalake para sa relasyon, Karylle. Maraming bagay akong hindi kayang gawin na magagawa niya para sa 'yo.

Karylle: Alam ko na 'yon.

Vice: Mahal kita.

Karylle: *Hinwakan si Vice sa leeg patungo sa mukha* Mahal kita.

Vice: Kahit bakla ako?

Karylle: Kahit isa ka pang alien. At kahit ano pang doubts ang tumatakbo diyan sa isip mo, mahal pa rin kita.

Deciphered -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon