Chapter 10

6.1K 227 42
                                    

Natagalan bago makatulog si Karylle habang si Vice naman himbing nang nakayakap kay K. Ang daming gumugulo sa isipan niya. Mga bagay na parang hindi na dapat naging komplikado pa. Mahal niya si Vice pero sa tuwing papasok sa eksena si Yael, sa tuwing may mabubuong tanong sa isip niya, nalalabuan siya. May mali. Alam niyang may mali. Sa sitwasyon ngayon, wala na dapat siyang pagpilian pa.

Umaga na ng makatulog si Karylle.

Pagkagising ng dalawa, biglang nagyaya sa mall si Vice. Pumayag naman si K. Pagkatapos nilang mananghalian sa bahay ni Vice, nagbihis na ang dalawa.

Sa kotse, nagkakatuwaan na sila. Walang humpay na kulitan at tawanan. Masayang kasama si Vice, hindi niya maitatangging masaya si K sa tuwing magkasama sila.

Vice: Gusto kong bumili ng bagong CDG shirt.

Karylle: Sobrang mahal naman no'n.

Vice: Komportable kaya sa katawan 'yong tela.

Karylle: Sa'n ba meron ng gano'n?

Vice: Hmm alam ko meron sa Power plant.

Karylle: Out of way tayo do'n, Mine. At saka matraffic papunta do'n ngayon.

Vice: Sa MOA kaya?

Karylle: Hindi ko lang sure. Tignan natin?

Vice: Okay. Bili tayong dalawa ha. Para terno tayo sa Monday sa Showtime.

Karylle: Ang mahal nga, Mine. Ikaw na lang bumili.

Vice: Kuripot ka talaga! Hahaha. Ako naman magbabayad.

Karylle: Nakakahiya.

Vice: Ang arte! Parang di kita girlfriend. Hahaha. Bili na tayo ha.

Karylle: Sige.

Vice: Hahaha pumayag agad kasi libre haha.

Natawa na rin si Karylle.

Pagkarating nila sa Mall of Asia, may mga tumitingin sa kanila. Natural na 'yon. Sanay na sila. Sinubukan nilang maghanap ng CDG shirt kaso mas naging abala na sila tumingin ng iba pang damit. Mas marami ng nabili si Vice, samantalang si K isang paper bag pa lang ang bitbit niya.

Paakyat na sila sa third floor. Sakay ng escalator, habang nakatingin si Vice sa taas, saktong napatingin din si Karylle sa kaliwa niya dahil may nakita siyang pamilyar na tao. Nagkatinginan sila. Dahil may mga sinasabi si Vice kay K at hindi na ito nakakasagot, tinawag niya si Karylle.

Vice: Ayos ka lang ba?
Karylle: Oo. *nabalisa* Ano nga 'yong sinasabi mo?

Napatingin sa kabilang escalator si Vice at sinundan ito pababa. Wala naman siyang nakita na kakaiba.

Vice: Ano ba 'yong tinitignan mo kanina?
Karylle: Huh? Wala. May ngumiti lang na fan siguro 'yon.
Vice: Ahh...

Nagsinungaling si Karylle.

Nang mapagod ang dalawa kakalakad at kakatingin sa tindahan, humanap muna sila ng kainan. Pagkaupo nila malapit sa may bintana, lumapit ang waiter at nagbigay ng menu. Pre-occupied na noon si K kaya parang wala siya sa sarili niya.

Vice: K!!!

Napatingin lang si Karylle.

Vice: Ano ng oorderin mo? Gutom na ko.
Karylle: Same na lang sa 'yo.
Vice: Sure ka?
Karylle: Oo.
Vice: Sige *tumingin sa waiter* dalawa na lang no'ng order ko kanina.
Waiter: Pati drinks po?
Vice: Karylle, anong gusto mong inumin?
Karylle: Ahmm.. Mango shake na lang sa'kin.
Waiter: Okay po, Ma'am. I'll just repeat your order.

Pagkaalis ng waiter, parang nag-iba na ang mood ng dalawa. Medyo naging iritable na si Vice.

Vice: K, ano bang problema mo?
Karylle: Huh?
Vice: Kanina ka pa wala sa sarili mo. Ano bang iniisip mo?
Karylle: Wala naman. Siguro...

Hindi pa tapos magsalita si Karylle nang mapansin ni Vice na dumaan si Yael sa harapan ng restaurant na kinakainan nila. Wala itong kasama. May dala itong isang kahon na tila para sa amplifier.

Tumingin si Vice kay Karylle.

Napayuko na lang si K.

Tinawag ni Vice ang waiter at pina-take out na lang lahat ng inorder nilang pagkain. Hindi na nag-uusap ang dalawa. After 10 minutes, dumating na ang order nila at mabilis na nagbayad si Vice. Umalis na sila kaagad. Pagkalabas nila ng Mall, papunta ng parking lot, nakasalubong na naman nila si Yael. Natigilan silang tatlo. Ang daming taong nakatingin na sa kanila. Lumapit si Vice kay Yael.

Karylle: Mine. *pigil kay Vice*

Tumingin lang si Vice.

Vice: Yael...
Yael: Ayoko ng controversy, Vice.
Vice: Linapitan lang kita, controversy na agad?
Yael: *tinapik na lang sa braso* Sige na.

Nilampasan na ni Yael si Vice at lumapit kay K.

Yael: I didn't expect to see you here. Hindi okay 'to.
Karylle: I'm sorry. *hinawakan sa kamay si Yael*

Umalis na si Yael.

Sinundan ng tingin ni Vice si Yael. Pagkasakay ni Yael sa kotse, tumingin din si Karylle kay Vice.

Vice: Ayos din 'yong ex mo! Maangas.
Karylle: Mine...
Vice: Sigurado ka ba sa tinatawag mo sa 'kin? Kasi sa nakita ko, hindi gano'n eh.
Karylle: What do you mean?
Vice: Umuwi na tayo.

Sinundan ni K si Vice papunta sa kotse. Galit si Vice. Pagkasakay nila, tahimik na ito.

Karylle: Ano bang kinagagalit mo?

Hindi sumagot si Vice.

Karylle: Bakit ba parang komplikado sa 'yo lahat?
Vice: Ako pa ang komplikado? Wow ah!!!
Karylle: Vice, di ko alam na nandito rin si Yael. Ikaw ang gustong pumunta rito. Tapos nagagalit ka na sa 'kin ngayon.
Vice: K, try mo kayang tumingin sa salamin. Baka lang makita mo kung sinong mas komplikado sa ating dalawa.

Pagkadrive ni Vice hindi na nag-uusap ang dalawa. Dumiretso sila sa bahay ni K. Inabot ni Vice ang pagkain.

Karylle: Dito ka nga muna.
Vice: Wala ko sa mood.
Karylle: Mine.. *hinawakan ang kamay ni Vice* Ayoko naman maghiwalay tayo ng ganito.

Hindi nakapagsalita agad si Vice. Hinawi niya ang bangs niya at dahan-dahan humawak sa mata kasi naluluha na siya.

Vice: K... Mahal kita. *napahikbi* Pero ayoko ng ganito.
Karylle: Vice, anong sinasabi mo?
Vice: Palagay ko maghiwalay na muna tayo. Para makapag-isip ka. Kung talaga bang ako ang gusto mo...
Karylle: Vice, I chose you.
Vice: Alam ko. Pero may mali.. At ayoko maging isang option lang ng kahit sino. I'm sorry.
Karylle: Why are you doing this?
Vice: Kasi kahit hindi mo sabihin, nakikita at nararamdaman ko... naguguluhan ka pa rin.
Karylle: *umiling at naluluha na* Hindi. Nangako ka, di mo ko iiwan.

Hindi na kinaya ni Vice kaya umalis na siya.

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now