Ikasampung Kabanata

Depuis le début
                                    

"Mom! I thought you are just to invite our relatives. But why are your friends here?" Hindi na ako nag-abalang lingunin si Zeus.

Laglag ang panga ko nang bumugad sa akin ang mga taong nagkakasiyahan. Ngunit, sa tingin ko hindi lang sila mga ordinaryong tao kundi mga taong may sinasabi sa lipunan. May buffet, may mga umiikot na waiter sa iba't ibang table para magserve ng wine at may taong tumutugtog ng orchestra na makikita lang sa mga okasyon ng mga mayayaman. In short, may party.

"Zeus, Iho.. I've been so excited to meet my precious daughter- in-law. Sa sobrang tuwa ko na ipapakilala mo na siya sa akin, wala ng ibang salita na lumalabas sa bibig ko kundi ang nalalapit naming pagkikita. I want everyone to know that finally I have my own daughter-in-law." Napalingon ako kay Mrs. Yuchengco then kay Zeus.

"Zeus, let your mother do what makes her happy. I think Caleila won't mind if she'll join and meet the circle of our family and friends. Would it be alright, Iha?" Tanong sa akin ng ginoong. "Zeus's mother prepared this party and she personally planned this." Dagdag niya.

Ang totoo, nanginginig na ako sa kaba. Baka magkamali ako at si Zeus ang mapahiya dahil sa akin. Paano nalang kung di ako gusto ng pamilya at kaibigan nila?

"O-opo. Wala pong problema." Sagot ko. Lumapit sa akin ang seryosong si Zeus.

"I'm sorry, Minnie. I know you hate this, you hate socializing with other people." Aniya.

Umiling ako habang nakatingin sa kanya. "Okay lang ako, Zeus. Ano ka ba, hindi sila ibang tao, they are your family and friends kaya kaibigan at pamilya ko na din sila."

Nagulat ako nang yakapin ako ng mommy ni Zeus.

"Thank you, daughter." She said habang naiiyak pa ata kaya nataranta ako.

"H-Huwag po kayong umiyak, M-mommy. Okay lang pos a akin." Natigilan ang ginang. Namula naman ako. Tumingin ako sa mukha ni Mr. Yuchengco at Zeus, they looked shocked pero lumawak ang ngiti nila.

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa akin ng ginang. "Thank you, daughter." Aniya. I smiled and hug her, too.

"Marielle, meet Caleila, my future daughter-in-law. Caleila, this is your Tita Marielle, she's the older sister of your daddy Liu and Zeus's tita." Tinignan ako ng matandang babae mula ulo hanggang paa. Nakaangat pa ang isang kilay niya. Kinabahan ako.

"H-hello p-po." Nauutal na bati ko.

Ngunit nakahinga ako ng malalim nang ngumiti siya then lumapit sa akin para makipagbeso.

Halos mapunit na ang mukha ko sa walang tigil na kakangiti sa iba't ibang taong pinapakilala sa akin ni Mommy Asherina. Ito ang unang pagkakataon na nakisalamuha ako. Halos magkulay kamatis ako nang ipakilala ako kanina sa harapan ng karamihan ni Mr. Yuchengco.

"Mom, may I borrow my girlfriend?" Nakabusangot ang mukhang singit ni Zeus. Hinawakan niya ang braso ko. Ano'ng problema niya? Don't say, pati mama niya pinagseselosan niya.

Tumawa ang ginang. "Alright, Iho" She looked at me. "Enjoy the party, daughter. Marami pa tayong pagkukuwentuhan mamaya." She said bago kami iniwan.

"Ano'ng problema mo?" Kaagad na tanong ko sa kanya. Inakay na niya ako at nakikita ko sa side sight ko na may tumitingin sa amin. "Nakakainis si Momma! Hindi ka pa kumakain pero kung kani-kanino kana pinapakilala."

Hinampas ko siya. "Ano'ng kani-kanino lang? Hoy! Mga kaibigan at pamilya mo ang pinapakilala sa akin noh!"

Lumapit kami sa buffet ng mga pagkain at ngayon ko narealize na kumakalam na pala ang tyan ko kanina pa. Naglalaway na ako habang tinitignan ang mga pagkain. Napalingon ako kay Zeus at may hawak siyang dalawang plato, pinuno niya iyon ng pagkain.

Is This Love?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant