He chuckled and went inside the office. "Ang alin babe?" Patuloy na pang-aasar nito habang naglalakad sila papasok sa opisina ng binata.

"Edward please!" Nagpipigil ito ng inis dahil sa mga matang nakatingin. Pero sa halip na tumigil sya, mas inasar pa nya ito.

"I can't hear you..."

"Ugh! I really hate you!" Dahil sa inis nya, medyo napalakas yung boses nya kaya natigilan ang mga empleyadong naroon at napatingin sa kanya. She formed a peace sign and smiled at them as she tried to hide her embarrassment. Lahat pa naman ng naroon, nakasama nya sa trabaho. "Hi...hi guys!" Bati nito bagama't sa mga oras na yun ay gusto na nyang maghalong parang bula.

Before everyone could react, nagsalita si Edward na noo'y nasa may pintuan na ng opisina nya. "Babe, what are you still standing there? I thought you wanted to talk to me?"

Pinandilatan nya ng mata si Edward dahil sa sinabi at lakas ng boses nito. Mas lalo tuloy silang pinagtinginan. Ngunit hindi nito pinansin ang ginawa ng dalaga, instead, he came near her and wrapped his arm around her waist. "Excuse me, my wife and I have something to talk about." He winked at her. "Noreen, cancel all my meetings. And if someone asks for me, 'I am not here' okay?" He instructed.

"Y-yes sir."

"Good. Now back to work!" He said authoritatively.

Pagkasara ng pinto ng opisina nya ay agad na nagbulungan ang mga empleyado nya dahil sa nasaksihan nila.

Mabilis namang bumitaw si Kirsten nung nakapasok na sila ng opisina. "Why did you do that?!"

"Ang alin?" Patay malisyang tanong nito.

"Why did you tell them that I'm your wife?!"

"Eh bakit, asawa naman talaga kita di ba? Anong masama sa sinabi ko?"

"Pwede ba Edward, alam naman natin kung anong gusto ko di ba?"

"Yes. Pero hangga't hindi pa nawawalan ng bisa ang kasal natin, you're still my wife."

"Ugh! Ang hirap mo namang pakiusapan eh!"

"Kasi, mahirap ka rin umintindi, ayoko nga sa gusto mong mangyari. Period!" Semeryoso na ang mukha nito.

"Bakit ba ang selfish mo? Ganyan ka ba talaga kahit noon pa?!" Inis na tanong nito.

"Ako pa ngayon ang selfish? Sino ba ang gustong makipaghiwalay para mapakasalan nya yung boyfriend nyang hilaw, di ba ikaw? Ako, gusto kong makasama ka para manatiling buo yung pamilya natin. Selfish ba yun?"

"Oo, selfish yun! Kasi iniisip mo lang yung sariling kaligayahan mo. Paano naman ako? I can't even remember you, so tell me, how can this marriage still work kung wala akong maalala ni isa tungkol sa pagkatao mo?"

Natigilan ang binata. Minsan talaga hindi na nya alam kong si Kirsten pa ba ang kausap nya dahil sa sakit nito magsalita. "Yan lang ba ang concern mo? Kasi madali lang naman solusyonan yan eh. I can introduce myself to you kung gusto mong malaman kung anong pagkatao meron ako."

"Hindi lang naman yan ang concern ko eh, I don't remember you at all. How can you expect me to stay with a stranger? How can I trust you if don't even know you? Naiintindihan mo ba ko?"

"Yeah, you're right..."

"Finally."

"...but I can always help you regain your memory. Or we can start over together, we can introduce ourselves and create new memories...kahit ano, wag lang yang hinihingi mo."

"Eh pano nga kung yun lang talaga ang gusto ko? Ang makawala. Cooperation lang naman hinihingi ko sayo eh, mahirap ba ibagay yun?"

"Oo, mahirap. Kasi hindi lang naman cooperation ang issue dito eh. Tayo! Kaya please, tumigil kana." Pakiusap nito dahil hindi na nya kinakaya ang takbo ng usapan nila.

A CHANCE FOR ME AND YOU (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant