Kiss the Pain Away

852 33 55
                                    

[ THIRD PERSON's POV ]

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima?

Anim?

Di na ata mabilang kung ilang beses kinurap ni Hoshi ang may maikukurap pa pala nyang mga mata sa sinabi ni Louise.

"E kung... Tabi na lang tayong dalawa dito sa comforter?"

Pakiramdaman nya ay nagdidilusyon na sya dahil sa lamig at kaba na nagkamali lamang sya ng dinig sa sinabi nito sakanya.

"Sorry haha"

Agad namang nabalik ang lumipad na diwa ni Hoshi sakanya ng magsalita muli si Louise.

"It's not like gusto kitang makatabi or anything, I-I mean gusto kitang katabi-"

Agad na napakagat sa lower lip si Louise.

"What I mean is-"

Hindi na natuloy ni Louise ang sasabihin nya dahil sa mabilis na pagdampi ng mga labi ni Hoshi sakanya. Ang kamay nito ay nakahawak pa din sa kamay ni Louise at ang kabila naman ay nakasuporta sa lapag ng tent.

Nanlaki naman ang mga mata ni Louise sa nangyare. Nanigas on the spot dahil sa mabilis na aksyon ng hamster, I mean ni Hoshi.

Wait. Louise. You should react! -sa isip ni Louise.

Bago pa mang tuluyang makapagreact si Louise ay nagsalita si Hoshi, ang mukha nito ay nasa 1.4999999 inch away lang sa mukha ni Louise.

"Fine I'll sleep beside you." Hindi man masyadong makita ni Louise si Hoshi dahil sa kadiliman ay alam nyang nakasmirk ito. "If that's what you wish for." Dagdag nito na nagpataas ng lahat ng posibleng buhok sa katawan ni Louise.

Too stunned pa din si Louise sa ginawa ni Hoshi kaya hindi na din sya nakapagreact sa tuluyang pagpasok din ni Hoshi sa comforter. Kusa ding umusod si Louise para tuluyang silang magkasyang dalawa sa loob nito.

Aminin mo na Louise na gusto mo talaga to. - a/n

Agad namang humiga si Hoshi sa loob ng comforter, at si Louise? Ayun stunned pa din.

"Louise?"

"H-Huh?"

Napatingin naman ang nakaupo pa ding si Louise kay Hoshi tsaka nagising sa katotohanan na, Magkatabi. Kami. Sa. Comforter.

"A-Anong-"

"Inalok mo ko." Putol ni Hoshi kay Louise. "Unless gusto mo kong mamatay sa lamig edi baba-"

"Hindi dyan ka lang!" Pagpigil ni Louise kay Hoshi ng aakma ng lalabas sa comforter.

Agad namang ngumisi si Hoshi tsaka na umayos ulit ito ng higa.

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon