Love Hurts in Mysterious Ways

1.1K 50 41
                                    

[THIRD PERSON's POV]


"Louise?"


Agad na natulala si Louise nang makita nya si Hoshi. Pupuntahan na sana sya nito pero agad na naglakad si Louise papalayo. Hindi na rin sya sinundan nito at napahinto na lang din sa kinatatayuan nya.

"Hoshi?" sabi naman ng babae na nasa harapan ni Hoshi sabay na hahawakan ang braso nya pero agad na tinapik ni Hoshi ang kamay nito tsaka na iniwan nya ito.

Tuloy-tuloy naman sa paglalakad si Louise na para bang hindi na tinitignan nito ang kanyang dinadaanan hanggang sa makabangga na ito ng studyante.

"S-Sorry..." mahinang sabi ni Louise tsaka na naglakad na ulit ito pero agad na hinawakan ng nabangga nya ang kanyang braso.

"Louise are you okay?"

Agad namang napatingin si Louise sa nabangga nya ng makita nya si Seungcheol.

"S-Seungcheol..."

"Are you o- Are you crying?" pagtatakang tanong ni Seungcheol.

"Ah, sorry... N-Napuwing lang." sagot naman ni Louise tsaka na pinunasan ang luhang di nya napansing tumutulo na sa mukha nya.

"Bakit? What's wrong?" pag-aalalang tanong ni Seungcheol sabay na hinawakan nito ang pisngi ni Louise.

"O-Okay lang ako. Thank you Cheol." agad namang sabi ni Louise tsaka na hinawakan ang braso ni Seungcheol para ilayo ang kamay nito sa pisngi nya.

"Louise nandito ka lang pala!" napalingon naman si Louise at Seungcheol kila Kaye at Camille na naglalakad papunta sakanila.

"Pinuntahan ka namin sa lobby, wala ka dun." -Camille

"Ah sorry..." nakayukong sabi ni Louise.

"Hi Seungcheol." bati naman ni Kaye kay Seungcheol.

"Hi." bati din ni Seungcheol.

"Louise!!!"

Napalingon naman ang apat kila Seungkwan, Dino, Minghao at Vernon na mabilis na ding naglalakad patungo sakanila.

"Kayo pa-"

Agad namang naputol ang sasabihin ni Louise sa mabilis na pagyakap sakanya ni Minghao.

"M-Ming-"

"Louise na-miss kita!!" sabi naman ni Minghao habang yakap-yakap nito ng mahigpit si Louise.

"H-Hindi ako makahinga..."

"S-Sorry." agad na sabi ni Minghao tsaka bitaw nito kay Louise.

"Di ka man lang nagpasabi na pupunta ka dito ngayon." -Seungkwan

"S-Sorry... Biglaan lang kasi." sagot naman ni Louise.

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon