Double Date (Part 1)

1.5K 64 35
                                    

[THIRD PERSON's POV]

*time skip*

"Phone mo." sabi ni Wonwoo na nakaupo sa sofa ng kwarto ni Mingyu habang nakatingin sa phone na nasa tabi nya. "May tumatawag." dagdag nito kay Mingyu na busy-ing nag-aayos ng buhok nya.

"Sino?" pagtatanong naman ni Mingyu.

"Sino pa? Edi yung minamahal mo." paasar na sagot ni Wonwoo kay Mingyu.

Agad namang napatigil si Mingyu sabay na dali-daling pumunta kay Wonwoo na walang pasabing hinagis ang phone nito sakanya.

"Dahan-dahan naman!" inis na sabi ni Mingyu nang masalo nito ang phone nya.

Agad naman itong umupo sa kama nya at sinagot ang tawag ni Kaye.

PHONE CONVERSATION:

Mingyu: Kaye. Bakit?

Kaye: Sorry Mingyu. *coughs* sumama pakiramdam ko. Next time na lang tayo lumabas.

Mingyu: Hayy.. Sabi ko kasi sayo kagabi wag kang tatapat dun sa may aircon eh. Tapos naka-dalawang tall latte ka pa.

Kaye: Sorry na nga~ *coughs*

Mingyu: Naka-inom ka na ba ng gamot?

Kaye: Eto, iinom pa lang. *door sound*

Mingyu: Ano yun? Lumabas kaba?

Kaye: Bumili akong *coughs* gamot.

Mingyu: Dapat nagpabili ka na lang kay Camille.

Kaye: Diba nga wala sya dito. U-Umuwi sya kahapon ng hapon sakanila.

Mingyu: O sige sige. Uminom ka na ng gamot tapos magpahinga ka na.

Kaye: Okay.

CALL ENDED

"Wala ng date?" pagtatanong ni Wonwoo habang nagbabasa ng libro.

"Masama daw pakiramdam nya." sagot ni Mingyu sabay higa sa kama nya.

"Edi puntahan mo. Problema ba yun?" -Wonwoo

"May sakit na nga yung tao, ikaw talaga puro ka-"

"Masama ba yung dalawin mo yung girlfriend mong may sakit?" seryosong pagtatanong ni Wonwoo habang nagbabasa pa din ito ng libro.

Agad namang napatingin si Mingyu kay Wonwoo.

"Bakit?" pagtatanong ni Wonwoo sabay tingin kay Mingyu na nakahiga habang nakatingin sakanya.

"Alam mo, pag may kasama kang libro nagiging matino ka." sabi ni Mingyu sabay bangon sa kama.

"Sira." ngiting sabi naman ni Wonwoo sabay focus ulit sa pagbabasa.

---------------------- 

Busy namang nag-aayos si Louise ng kanyang gamit nang may kumatok sa kwarto nya.

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon