Greedy in Love

1.5K 73 47
                                    

[THIRD PERSON's POV]


"Buti na lang talaga hindi sya naging ice-cream." sabay tabi ni Minghao kay Jun na nakatayo sa terrace ng kwarto nya habang nakatingin kay Abby na kausap si Erika sa garden. "Kundi baka tunaw na yan ngayon." dagdag pa nito.

Pero hindi sumasagot si Jun at nakatingin lang ito kay Abby.

"May boyfriend na kaya sya?" tanong ni Jun habang nakatingin pa din ito kay Abby.

"ABBY?!" biglang sigaw ni Minghao sa terrace.

Agad namang napaangat ng tingin si Abby at Erika kay Minghao.

"Anong ginagawa mo?!" mahinang sabi ni Jun kay Minghao.

"B-Bakit?" pasigaw na tanong ni Abby.

"MAY! BOYFRIEND! KA! NA! BA?!" pasigaw namang tanong ni Minghao kay Abby na ikinagulat ni Jun.

Agad na napatingin si Jun kay Abby na mukhang hindi naintindihan ang isinigaw ni Minghao.

"Ano daw?" tanong naman ni Abby kay Erika na nakatingin din kila Minghao at Jun.

"GAGA! May boyfriend ka na ba daw." sagot naman ni Erika na ikinalaki ng mata nito.

"WALA! SYANG! BOYFRIEND! SINGLE! PWEDENG! PWEDE!" sigaw ni Erika kay Minghao sabay tawa nito.

Para bang na-speechless si Abby at nakaangat lang ito ng tingin kay Minghao at Jun.

"THANK YOU!" sabi ni Minghao "Oh wala daw." bulong naman nito kay Jun.

"Sira ka!" -Jun

"You're welcome." ngiting sabi ni Minghao kay Jun sabay pumasok na ito sa kwarto ni Jun.

Agad namang napatingin si Jun kay Abby na ngayon ay inaasar na ni Erika. 

*Library*

"Aisshhttt... Ang dami namang pwedeng pakealamang buhay bakit kailangang pati lovelife ni Rizal pakealaman natin?" pagrereklamo ni Seungkwan habang nakaharap sakanyang laptop.

Napatawa naman si Louise habang busy-ing nagta-type ng kanilang assignment.

"Buti pa si Rizal may lovelife." seryosong sabi naman ni Camille habang nakatunganga sakanyang laptop habang nakatingin sa picture ni Rizal.

"Pano maging si Rizal?" pagtatanong naman ni Dino na busy ding hinahanap lahat ng naging girlfriend ni Rizal sa google.

"Tinanong ko si Jun kung may naging assignment silang ganito pero mukhang busy syang gumawa ng sarili nyang lovelife." sabi ni Minghao na kararating lang ng library.

"Isa lang masasabi ko, babaero si Rizal." sabi naman ni Kaye.

"Buti pa si Mingyu di babaero." -Camille

Agad namang napatingin si Kaye kay Camille sabay sabing "Gague."

"Pinag-uusapan nyo ba ko?"

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon