Awkward

650 25 22
                                    

[ THIRD PERSON's POV ]

"Di ka pa ba magpapahinga?" Tanong ni Hoshi tsaka na tumabi kay Louise na nakaupo sa bato at nagpapa-init sa bonfire.

"Hindi pa ko inaantok." Sagot naman ni Louise tsaka na napatingin kay Hoshi "Ikaw?"

"Same." Sagot naman ni Hoshi tsaka na napatingin din sa apoy.

Natapos na silang kumain at naisipang gumawa ng bonfire sa di kalayuan mula sa tent. Hindi nga naman maku-kompleto ang camping kung walang campfire. Pampainit na din ito sakanila dahil malamig na ang kagubatan. Kalulubog lang kasi ng araw at tanging sa buwan at bonfire na lang nagmumula ang liwanag. Kahit na sobrang prepared si Hoshi sa camping nya e tanging malaking emergency flashlight lang ang dala nito. Di naman nya naisip mag liwaliw sa kagubatan sa des-oras ng gabi. Kaya flashlight ay sapat na. (Nag dab)

Ilang minuto silang natahimik habang nakatitig sa bonfire. Nakakapag-usap na sila kanina pero tila bumalik ang awkwardness sakanila dahil sa katahimikan. Idagdag pang kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ngayon ni Hoshi. Gusto nyang yakapin si Louise, gumawa ng move, o magtanong about sakanila ni Doyoon. Dala siguro ito ng lamig ng paligid, init mula sa apoy, at pag-iisip na silang dalawa lang ang nandoon. Walang abala. Walang makakakita. Walang may pakialam sakanila.

"Kamusta naman?" Biglang putol ni Louise sa katahimikan.

"H-Huh?" Sabay baling ng tingin ni Hoshi kay Louise.

Ang weird siguro ng tanong dahil buong araw na silang magkasama pero ngayon pa lang kakamustahin ni Louise si Hoshi.

"Sorry" sabay tawa ng mahina ni Louise. "Ang out of the blue no?"

"H-Hindi naman. May iniisip lang kasi ako." Sagot naman ni Hoshi.

"Hmm" pagtango naman ni Louise. "Iniisip mo ba kung may balat ako sa pwet dahil ang malas ng araw mo?"

"Bukod pa dun-"

"Grabe!" at tuluyan ng tumawa si Louise.

Napatawa na lang din si Hoshi. Sa wakas ay medyo nawala na ang awkwardness nila.

"Ano na nga yung tanong mo?" Pagtatanong ni Hoshi ng mahimasmasan na silang dalawa.

"Ahh..." Nagpalumbaba si Louise gamit ang kanang kamay nya para patungan, tsaka na humarap kay Hoshi. "Tinatanong ko kung kamusta ka naman?"

"Hmm" agad namang nilayo ni Hoshi ang paningin mula kay Louise patungo sa apoy, bigla syang nakaramdam ng hiya dahil sa titig nito. "O-Okay naman."

"Bakit ka nag black hair?" Pagtatanong naman ni Louise, nakatitig na ito sa buhok ni Hoshi.

Napasuklay naman si Hoshi sa buhok nya gamit ang kanyang mga daliri at mas lalong nakaramdam ng hiya dahil sa biglaang pagpansin ni Louise dito.

"Uhh... Mas cool at ano daw kasi pag black hair."

"Mas manly?"

Napaubo naman si Hoshi sa pagdagdag na iyon ni Louise.

"Hmm" pagtango ni Hoshi.

"Sabagay... Mas manly ka nga tignan dyan sa kulay ng buhok mo."

Naramdaman naman ni Hoshi ang biglaang pag-init ng mga pisngi nya sa sinabi ni Louise. Para bang ngayon lang sya nakarinig ng compliment sa buong buhay nya.

Sa sobrang overwhelming ng pakiramdam nya e hindi na sya nakapagsalita na napansin naman ni Louise.

"Uyy don't get me wrong ah. Hindi ko naman sinasabing hindi ka mukhang manly noon. Manly ka naman dati pa, nag upgrade lang. Uhm naging Daddy ganun."

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon