The Past and The Confession

1.9K 73 57
                                    

[THIRD PERSON'S POV]

-- PAST --

"Dad, can I roam around?" pagtatanong ng isang batang lalake na nasa labing tatlong taong gulang na.

"Sure." sagot ng kanyang ama. "Augustus, you don't have to follow him."

"Yes sir." sagot ng isang matangkad at may edad na lalake. "Don't go too far young master."

"I will Augustus. Thanks." sagot ng batang  lalake sabay na tumakbo palayo sa ama at butler nito.

Naglibot-libot ang bata sa loob ng isang Elementary school kung saan madalas na bumibisita ang kanyang ama. Nakagawian na ng kanyang ama na bumisita doon at ngayon ang araw na isinama sya ng kanyang ama dahil nakapunta na doon ang iba nyang mga kapatid.

Masayang naglibot-libot ang bata hanggang sa nakakita sya nang mga batang nag-uumpukan sa gilid ng isang classroom. Nakasuot ang mga ito ng mahahabang kulay puting damit at mahahabang buhok sa harapan ng kanilang mukha na mahahalata mong Wig.

Anong  ginagawa nila? -sa isip ng bata

Lumapit pa ito sakanila hanggang sa makarinig ito ng umiiyak na bata sa loob ng mga nag-uumpukang batang nakaputi.

"Hey! What are you doing?!" sigaw ng bata sakanila.

Agad na nagtinginan ito sakanya at kitang kita ng bata ang mga animo'y nagkalat na lipstick sa mga mukha nito. Agad namang napatingin ang bata sa nakaupong batang babae na panay ang iyak.

"Gusto nyo bang tawagin ko yung principal?" pagtatanong ng bata sa mga nag-uumpukang mga bata at mabilis itong nagtakbuhan.

"Bata ayos ka lang?" pagtatanong ng bata sa umiiyak na batang babae na nasa labing dalawang taong gulang na nakasandal sa pader.

Pero panay lang ito iyak.

"Wala na sila. At tsaka bakit ka ba natatakot sa mga iyon? Sigurado namang mas nakakatakot mga mukha nila kahit hindi nila ilagay yung mga drawing na yun sa mukha nila." sabi ng bata sa batang babae.

Sa sinabi nyang iyon, napatango ang batang babae sakanya pero hindi pa din ito tumitigil sa pag-iyak.

"Oh." sabay abot ng bata sa panyong galing sa bulsa nito sa batang babae. "Stop crying." dagdag nito.

Agad naman na inabot ng batang babae ang panyo pero tinitigan lang ito.

"Bakit ka ba nila inaasar gamit yung mga nakakatawang suot nila?" tanong ng bata sabay upo sa tabi ng batang babae.

Pero hindi sya sinagot nito at nakatingin pa din sa panyong binigay sakanya ng lalake.

"You're afraid of scary things, aren't you?" pagtatanong nito sa batang babae.

Tumango lang ang batang babae sa tanong nito.

"Are you mute or something?" pagtatanong ng bata sa batang babae dahil kanina pa ito hindi nagsasalita.

Umiling lang ito sakanya.

"Then why aren't you talking?" pagtatanong ulit ng bata.

Hindi ito sumagot agad pero naglaon ay nagsalita din ito "Dad said, don't talk to strangers."

"HAHAHAHA okay... I see I see.. Your dad must be strict or... You are just too dumb that you still follow orders intended for kids." patawang sabi ng bata sa sagot ng batang babae.

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon