Meeting

2.1K 75 46
                                    

AUTHOR'S NOTE: 

PLEASE READ THE AUTHOR'S NOTE AFTER YOU READ THE STORY. KAMSAHAMNIDA! :)

------------------------------------------------------------



*time skip*

- LOUISE's POV -

"Ako na." sabay na lapit sakin ni Seungcheol at Hoshi.

"K-Kaya ko na to." sabay bitbit ng isang tray ng meat para sa Samgyupsal. Agad ko silang iniwang dalawa dahil kanina pa sila bumubuntot sakin.

Ngayon kasi dadating yung mga friends ko para makapag-practice din sila sa cotillion. Tamang tama dahil walang pasok sa Monday dahil National Heroes Day at wala silang klase kapag tuesday. So, Tuesday afternoon na ang balik nila. At dahil sa mahilig sa samgyupsal yung mga kaibigan kong yun, napagdesisyunan na lang na magbaba-barbecue party na lang sa Garden para sa hapunan.

"Asan na ba daw sila?" dinig kong pagtatanong ni Jeonghan kay Minghao habang pinapatong ko ang dala-dala kong tray sa lamesa sa labas.

"Ahm, huling text ni Gyu kakaalis lang nila dun sa meeting place. hmn.. Wala pang text eh." sagot naman ni Minghao habang nakatingin sa phone nya.

"Nagtext si Kaye, mga 30 minutes siguro nandito na sila." singit ko naman.

Kasama kasi si Kaye at Camille na sinundo yung mga kaibigan namin. Mahigit 2 hours na din mula nung umalis sila dito kasama si Mingyu at Wonwoo na dala yung mga sarili nilang sasakyan.

"Need help guys." sabay lapit ko kay Jun, DK at Vernon na busy-ing gumagawa ng barbecue.

"Sure. Thanks." sabi naman ni Vernon sabay usod nya.

Busy lang kaming apat sa ginagawa namin nang lumapit si Seungcheol samin.

"Louise." -Seungcheol

"Hmn?" sagot ko habang naghihiwa ng hotdogs.

"Pwede mo ba kong samahan bumili ng drinks." -Seungcheol

Napatingin kaming parehas ni DK sakanya.

"Su-"

"'Bat di na lang si Hoshi isama mo." putol ni DK sa sasabihin ko.

Napatingin naman kami kay Hoshi na busy-ing gumagawa ng apoy dun sa barbecue grill at sumisigaw nang "FIREEEEEEEEEE!!!" nang batukan ito ni Seungkwan sa ulo gamit ang tongs.

"Huwag mo namang sunugin yung buong Grill!" -Seungkwan

"Baka pati kotse ko sunugin nya." sabi ni Seungcheol matapos naming makita ang kalagayan ni Hoshi.

"I'll go with you." biglang sulpot ni Woozi out of nowhere.

"Perfect timing Woozi. Mas kailangan namin si Louise dito." -DK

Napatingin naman ako kay DK na nakatingin na sa ginagawa nya.

Weird.

"Let's go." yaya ni Woozi kay Seungcheol at umalis na din silang dalawa.

Nagbalik na ulit kami sa ginagawa naming apat matapos umalis ni Woozi at Seungcheol. Sa kabilang dako naman ay kararating lang ni Joshua, Samuel at Dino bitbit ang mga plato, baso at utensils.

"Be careful sam, hold it tightly." sabi ni Joshua kay Samuel na nasa unahan nyang naglalakad habang hawak ang ibang plato.

"I will." -Samuel

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon