Feelings

2.6K 142 38
                                    

[DOYOON'S POV]


"Akin na yung bowl mo Loui.." Sabi nung Hoshi na katabi ni Loui.

"Huh?"

"Lalagyan kong ramyun."

Pasimple lang akong nakikinig sakanilang dalawa.

"Ako na may kamay naman ako." -Loui

pfftt.. Buti nga sayo XD

"Dali na~" pa-cute na sabi nung Hoshi.

Abaaa.. Hoy mas cute ako sayo.. -isip ko

"ehem.. ehem.." paubo ko para makaagaw atensyon sa dalawang to.

"Okay ka lang Doyoon?" Patanong ni Jenny sakin.

Pero parang wala pa ding pakealam yung dalawa sa harapan ko tsss..

"Okay lang ako." sagot ko kay Jenny.

Pasimple pa din akong tumitingin sakanilang dalawa.

"Hoshi, gusto mo ba kong tumaba?" tanong ni Louise dun sa Hoshi na kanina pa lagay ng lagay ng pagkain sa plato nya.

"Oo at hindi?" sagot nung Hoshi "Kahit ano naman maganda ka pa din." dagdag nya.

Teka.. May gusto ba to kay Louise?

"Baliw. Wala akong pera pambayad sayo." -Louise

"Ngiti mo lang pwede na." sagot nung Hoshi na nagpapantig sa tenga ko.

Nakita kong nginitian sya ni Louise. Yung ngiting matagal ko ng gustong makita.

Bakit? Bakit ganyan ka maka-ngiti sakanya?

Sobrang naiirita na ko at nag-iinit na ang mata ko sa lalakeng nasa harapan ko. Gusto ko na silang tumigil kaya agad kong hinampas ang kutsara ko sa plato ng sobrang lakas. Sapat lang para mapatingin silang dalawa sakin.

"Sir?" Tanong nung Hoshi.

Tinitigan ko sya ng seryoso tsaka ko sinabi ang kanina ko pa gustong sabihin.

.

.

.

"Stop it."


[LOUISE'S POV]


"Stop it" sabi ni Doyoon habang seryoso syang nakatingin kay Hoshi.

Di rin nagsasalita si Hoshi dahil feeling ko naguguluhan sya sa nangyayare. Kung sabagay kahit ako di ko rin maintindihan si Doyoon kung bakit ganun ang inaasal nya kanina pang umaga.

Di lang kami ni Hoshi ang natahimik, maski sila Seungkwan na kanina pa nag-iingay ay natahimik din. Nararamdaman kong bumibigat ang atmosphere kaya nagsalita na ko.

"K-Kumain na tayo" sabi ko sabay na hawak sa kamay ni Hoshi dahil pakiramdam ko gulong gulo na sya lalo na't iba na ang tingin sakanya ni Doyoon. 

Hinawakan ko ang kamay nya para bumalik sya sa ulirat. Napatingin sakin si Hoshi at binulungan ko sya ng "Kumain na tayo".

Tumingin naman ulit si Hoshi kay Doyoon na nakatingin pa din sakanya tsaka tumingin ulit sakin. Tinitigan ako ng pagkatagal tagal ni Hoshi na parang nagsasabing Anong nangyayare?

At habang tinititigan nya ko ay parang may mabigat na pwersang nakatingin samin kaya agad ko syang tinanguan para bumalik na sya sa pagkain, pero di pa din nya inaalis ang tingin nya hanggang sa....

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon