Let's Pretend

680 35 13
                                    

[ THIRD PERSON's POV ]

Himalang nakakita naman sila Hoshi at Louise ng daan pababa sa lawa. Napagpasyahan nilang bumaba na lang dito dahil doon din naman talaga ang punta ni Hoshi. Ayun nga lang, wala sa plano na mabangga ang sasakyan nya sa puno at mas lalong wala sa plano na makasama nya si Louise sa dapat sana ay soul searching nyang mag-isa.

Nauna si Louise pababa bitbit ang kanyang bag. Nasa likod naman nya si Hoshi na mas maraming bitbit dahil sa dalang tent at ilang pagkain nito.

Matapos ang pahirapan na may kasama pang pagdulas ng dalawa pababa ng lawa, ay nakarating na din sila sa baba.

Ibinaba muna ni Hoshi ang mga gamit nya sa ilalim ng malaking puno samantalang dumeretso naman si Louise sa tabi ng lawa. Tumitig sya dito ng matagal at napabulong ng "Wow" sa sarili.

Mas maganda ang lawa sa malapitan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mas maganda ang lawa sa malapitan. Kitang kita ang ilalim nito dahil sa malinaw na tubig. Kitang kita ang mga isdang lumalangoy sa ilalim pati na din ang mga punong kahoy na lumubog na sa ilalim nito.

Naalala na ni Louise ang lugar na ito. Ito ang lawa na nasa tarpaulin na nakapaskil sa registration booth ng camping sa school. Ang lawa na nakapalibot sa Miracle mountain. Kilala ang lawa dahil tinatawag din itong split lake. Hiwa-hiwalay ito na nagfu-form ng maliliit na lawa sa paligid ng Miracle Mountain at tanging ang mga falls nito ang kumukunekta sa bawat lawa.

At ang lawang na nasa tapat ngayon ni Louise ay isa lamang sa mga kalat na bahagi ng Forbidden Lake.

Hindi naisip ni Louise na makikita nya ito ng personal matapos hindi tuluyang magpa-register sa camping ng makita nya ito sa tarpaulin. Naaalala nya si Hoshi dito kaya hindi sya tumuloy pero tila pinaglalaruan sila ng tadhana at natuloy parin sya dito, sila dito, nang magkasama.

"Ang ganda no?" Pagbasag ni Hoshi sa katahimikan habang nakatingin na din ito sa lawa.

"Hmm..." Pagsang-ayon ni Louise. "Sobra."

At napatitig na lang ng magatal ang dalawa sa lawa. Parang tinatanggal nito lahat ng alinlangan sakanila. Lahat ng mabigat. Lahat ng masakit.

"Naalala ko dito yung lawa sa PMA." Sambit ni Louise habang nakatitig pa din sa lawa.

Napatingin naman si Hoshi sakanya.

"Yung pinakita mo sakin." Mahinang dagdag ni Louise.

"Hmm.." Sabay balik ni Hoshi ng paningin sa lawa. "The day you told me you love me too."

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon