Jealous Boyfriend

1.5K 64 43
                                    


[THIRD PERSON's POV]



"Louise, pwede ba tayong mag-usap?" pagtatanong ni Seungcheol kay Louise.

Agad namang napatingin si Louise kay Hoshi pero nawala na ito sakanyang paningin.

"Loui?" –Seungcheol

"Huh?" sabay tingin ulit ni Louise kay Seungcheol. "Ah, o-oo naman." Dagdag nito.


------------------------


"Nandyan na ba si Loui?" pagtatanong ni DK kay Hoshi habang nanunuod ito ng TV sa kwarto ni Hoshi.

"Oo." Sagot naman ni Hoshi sabay bagsak nito sakanyang kama.

"Anyare?" pagtatanong ni DK sabay tingin kay Hoshi.

"Wala." –Hoshi

"Nag-away ba kayo?" pagtatanong ulit ni DK sabay tingin ulit sa pinapanuod nyang Horse Racing.

"Hindi. Bakit naman kami mag-aaway?" pagtatanong naman ni Hoshi habang nakalugmok pa din ang katawan nito sa kama.

"Malay ko sainyo." Sagot naman ni DK.

Agad namang napatingin si Hoshi kay DK.

"Teka nga." –Hoshi

"Ano?" pagtatanong ni DK habang nakatingin pa din sa TV.

"Paano mong..."

"Paano ko nalamang sinalubong mo si Louise?" pagdudugtong ni DK sa sasabihin ni Hoshi.

Agad namang napaupo si Hoshi sa kanyang kama na may gulat na reaksyon habang nakatingin kay DK.

"Wag mo kong tignan nang ganyan." Sabi naman ni DK habang nakatuon pa din ang paningin sa Horse Racing na para bang alam na nya reaksyon ni Hoshi hindi pa man nya ito nakikita. "Kilala kita. Kahit di mo sabihin, alam ko." Dagdag pa nito.

"Alam mo?" gulat na tanong ni Hoshi. "A-Anong alam mo?" dagdag na tanong ulit nito.

"Na may gusto ka kay Louise." sabi ni DK sabay tingin kay Hoshi. "Oo alam ko." Dagdag pa nito.

Agad namang nanlaki ang mata ni Hoshi sa sagot ni DK.

"K-Kailan mo pa alam?" pagtatanong ni Hoshi.

"I dunno." Sagot ni DK sabay balik ulit ng tingin sa TV. "Nakita ko na lang isang araw na parehas na tayo ng tingin kay Louise. " Dagdag nito.


--------------------------


"How's your date?" pagtatanong ni Seungcheol pagka-upo nila ni Louise sa bench sa garden.

Agad namang napatingin si Louise kay Seungcheol.

"Sinabi samin nila Seungkwan." Dagdag ni Seungcheol.

Maliban kasi kay Hoshi, kila Vernon, Seungkwan, Minghao, Dino at sa mga kaibigan lang ito nabanggit ni Louise.

"Ahh... Okay naman." Sagot nito.

"Anong ginawa nyo?" pagtatanong ulit ni Seungcheol.

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon