PRETTY U

2.5K 117 82
                                    

"I like you."




[LOUISE'S POV]

Hindi ako nagkakamali sa narinig ko. Malinaw na lumabas yun sa bibig ni Seungcheol, mas malinaw pa sa tunog ng mga fireworks sa di kalayuan. Pero ang di malinaw sakin, kung anong ibig sabihin nun.

I like you. I like you. I like you.

Paulit ulit kung sinasabi sa isipan ko habang nakatingin sa mga fireworks. Ni hindi ko tinangkang tignan si Seungcheol ng sinabi nya yon.

I like you ba dahil natutuwa sya sakin? I like you na parang gusto nya ko bilang isang kapatid? o yung I like you bilang...

Hindi. Masyado lang akong nag-iisip. Malamang hindi I like you yun in a romantic way. Yun na lang ang ipinasok ko sa isipan ko at tumitig na lang sa mga fireworks. Nagbabasakaling baka mawala din yung mga iniisip ko kasabay ng unti-unting paglaho ng mga ilaw sa kalangitan.

Di kami nagsasalita dalawa habang patuloy pa din sa pagputok ang mga fireworks. Hindi ko alam kung parehas ba kami ng dahilan kung bakit kami tahimik dalawa. Yung fireworks ba ang dahilan? o yung sinabi nya ang nagpatahimik saaming dalawa.

Nakatitig lang ako sa fireworks hanggang sa matapos ito. Sa ilang segundo matapos tumigil ang pagputok ng mga firweworks, tumitig naman ako sa karagatan na sumasalamin sa mga ilaw na bumabalot sa buong kubo. Kasing ganda din ito ng mga fireworks. Parehas lang sila. Parehas na nagpapagulo sa isipan ko. Siguro mga dalawang minuto din akong tumitig sa karagatan habang si Cheol, hindi pa din nagsasalita.

Maya-maya pa ay binasag na ni Seungcheol ang katahimikan nang banggitin nya ang pangalan ko.

"Louise." sabi nito.

Tumalikod ako para tignan sya nang makita ko ang itsura nya. Yung mga tingin nya parang biglang nag-iba. Parang ibang tao na ang kaharap ko. Parang hindi na sya yung Seungcheol na nakilala ko nung unang pasok ko sa Mansion. Parang hindi na sya yung Seungcheol na nagsabi saakin noon na "I'll be your eldest brother from now on." Sa isang iglap. Yung mga tingin nya saakin ngayon, parang may iba ng kahulugan.

Ayoko talaga mag-assume at mas lalong ayokong nag-eexpect kaya bago pa ko makaisip ng iba pang bagay, niyaya ko na syang umuwi. "Seungcheol.. Umuwi na tayo."

Nakatingin pa din sya saakin at yung mga tingin nya parang nangungusap na "Wag muna." pero binalewala ko ito at naunang maglakad papalayo sakanya.

Naramdaman kong hindi sya sumusunod saakin, pero tuloy pa din ako sa paglakad hanggang sa nasa bandang gitna na ko ng wooden bridge nang may mabilis na apak ang nararamdaman kong papalapit sakin. Sobrang bilis ng apak nito na nagpabilis din ng kabog ng dibdib ko. Maya-maya pa ay nasa likod ko na sya at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko sya nililingon at nakatingin pa din ako sa kawalan nang magsalita sya. "Louise. Listen... I mean it... I like you. I do really like you. Not as a step-sister... But... As a woman... In a romantic way."

Napalingon ako sakanya at napatingin sa mga mata nya.

Shit.

Sa isang iglap, nawala lahat ng imahe ko sakanya. Yung imahe nya bilang isang kuya, parang naglaho bigla. Habang nakatitig ako sakanya, dun ko lang narealize ang ibang bagay sakanya.

Ang ganda ng pilikmata nya.

Ang ganda ng mga mata nya.

Ang ganda ng mga labi nya.

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon