Swimming Day

1.5K 69 23
                                    

[THIRD PERSON's POV]

"Parang ang sarap mag-swimming." sabi ni Camille habang nakatingin sa picture ng pool sa magazine.

"Oo nga no?" -Erika

"Swimming? Masaya yun." sabay pasok ni Wonwoo sa living room kasama si DK.

"Bakit ang bilis nyo?" pagtatanong ni Louise.

Hinatid kasi ng dalawa ang mga classmate nila sa mga bahay nito after ng practice nila.

"Hinatid lang namin sila sa Mall, gagala pa daw sila eh." sagot ni DK.

"Gusto nyo mag-swimming?" pagtatanong ni Wonwoo na halatang naka-focus pa din sa word na Swimming.

"Ang weird kapag ikaw ang nagtatanong." sabi ni Louise sabay tingin kay Wonwoo na tumabi sa gitna nila ni Jasmin.

"Ikaw Jasmin gusto mo mag-swimming?" pagtatanong naman ni Wonwoo kay Jasmin na nakatingin lang sa Sparkling Magazine na hawak nya. Halatang nagbibingibingihan ito sa sinasabi ni Louise.

"Mag-swimming ka mag-isa mo." sagot ni Jasmin.

"Swimming?" pagtatanong ni Seungkwan na kakapasok lang din ng living room kasama si Minghao.

"Gusto daw nila mag-swimming Seungkwan." sabi ni Wonwoo na mas excited pa ata mag-swimming kay Camille.

"May pool sa 5th floor." sabi naman ni Minghao.

Agad namang napatingin si Erika kay Minghao sabay na napatingin kay Abby. Napatingin din si Abby kay Erika na ngumingiting nakakaloko.

"Wehhhhh??" excited na tanong ni Camille.

"Hmn.. Pwede nyo gamitin yun." -Seungkwan

"Swimming tayo Louise!" sabay lapit ni Camille kay Louise at hinila-hila ang braso nito.

"Hayyy... okay lang ba?" pagtatanong ni Louise sabay tingin kila DK.

"Oo naman. Tinatanong pa ba yan." sagot ni DK.

"Yeyyyy swimming!" -Wonwoo

Napatingin ng masama si Louise kay Wonwoo pero syempre, hindi naman nya pwedeng sabihin kay Wonwoo na hindi sya pwedeng mag-swimming sa pool na pagmamay-ari mismo nila.

Agad namang napansin ni DK ang tingin ni Louise kay Wonwoo sabay na ngumiti ito at nagsabing, "Tutal magsi-swimming kayo, pwede naman tayong magswimming lahat." pagsa-suggest nito.

Para namang knight and shining diamond si DK para kay Louise nang sinabi nya iyon. Mas gugustuhin pa nyang maligo kasama ng iba pa nyang step-brothers kesa mag-swimming silang si Wonwoo lang ang lalakeng nandoon. Mahirap na, baka may iba pa itong gawin.

"Swimming?" pagtatanong ni Seungcheol kay DK na nasa loob ng recording room kasama si Woozi at Vernon.

"Oo, paakyat na sila sa taas. Kasama na nila si Wonwoo para buksan yung pool." -DK

Living with 13 Handsome Step-Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon