CHAPTER 6: THE NEXT TARGET

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dude naman, kayo lang itong mabagal."inis na sagot ni Louis sa akin.

"Kasi naman daming girls ang nakakasalubong namin sa pagpunta dito. Itong si Benj naman lahat binigyan ng kiss."Paliwanag ni Harry kay Louis at umupo sa tabi nito.

"Syempre naman, dun lang sobrang saya na nila eh. Edi pagbigyan di ba babe?"sabi ko sa kanila habang umupo na ako sa may tabi ni Natalie at liningon ito.

"Pwede ba Benj, tigilan mo ako ng kayabangan mo kahit ngayon lang?"singhal sa akin ni Natalie.

"Waaahh...ilang araw din tayo hindi nagkita babe tapos susungitan mo lang ako ngayon? Bakit ba ang init ng ulo mo ah?"tanong ko sa kanya sabay hipo sa noo niya. "Ouch, ang init nga."mabilis ko ding tinanggal ang kamay ko at umakto na para talagang napaso ako.

Tiningnan lang ako ng masama ni Natalie. "Ano ba kasi problema ng babaeng ito ah?"tanong ko kila Claire at Savannah sabay turo kay Natalie.

"Eh kasi naman asar na asar kay Jordan. Nakukulitan na."sagot sa akin ni Savannah.

"Kaya naman pala eh. Edi ibreak mo na."walang siglang sabi ko sabay inom sa mineral water na binili namin.

"Oo nga Nat. 1 or 2 weeks na din naman kayo nung mayabang na yun eh. Nakakairita na din kasi yung kayabangan niya eh."pagsang-ayon ni Harry sa sinabi ko.

"Soon...ok? Wag kayong mga atat."pairap na sabi ni Natalie sa amin.

 Tumahimik na lang ako at sinimulan kong lantakan yung spaghetti na nasa harap ko. Habang kami ay abala sa pagkain at pagkwekwentuhan may narinig na lang kami na ngumangawa sa may kabilang mesa.

Napansin ko na nakuha niya yung atensyon ni Natalie dahil dun siya nakatingin. Tiningnan ko ulit yung ngumangawang babae pero hindi ko siya talaga kilala.

"Tsk, Loser...kung makaiyak naman siya wagas."naiiritang puna ni Natalie dun sa babaeng nasa kabilang mesa.

"Ang sakit sakit talaga...Alam nyo yun? Yung ang dami nyo ng pinagsamahan tapos sasabihin niya na may mahal siyang iba?"

Naririnig namin na sabi nung babae na nasa kabilang lamesa sa sobrang lakas ba naman ng pagiyak niya eh buong campus yata makakarinig sa hinanakit niya.

"Sino ba yun?"nagtatakang tanong ni Claire sa amin.

"Siya si May ng kabilang section, pero sa pagkakaalam ko wala naman siyang nababalita na boyfriend eh."sagot ni Savannah sa kanya.

"Malay ninyo naman may kasecret affair siya, di ba?"singit ko sa usapan nila dalawa.

"Grrr...hindi na ba siya matatapos sa pagiyak niya?"naiinis na sabi ni Natalie. "Sav, may next target na tayo after ko kay Jorda. Alam mo na gagawin mo."seryosong sabi ni Natalie kay Savannah tapos tumingin dun sa May.

"Copy."tugon ni Savannah sa kanya sabay tayo sa upuan at pununtahin yung mga babae na nasa kabilang lamesa.

"Yehey...katapusan na ni Jordan. Bwahahaha."sabi ni Harry na humahagalpak pa ng tawa.

Liningon ko si Natalie. "Nat, hindi ba pwedeng tama na?"seryoso kong sabi kay Natalie.

"Hindi pwede Benj."sagot niya sa akin.

Well, ganon naman lagi sagot niya sa akin eh. At wala naman ako magagawa para mabago desisyon niya, mahal ko kasi talaga siya.

Sa mga nagtataka kung anong nangyayari, sa totoo lang hindi naman ganon kasama si Natalie. Nakikipaglaro lang siya sa mga lalaki na alam niyang madaming pinaluha at pinaglaruang babae. Kumbaga siya ang gumaganti sa mga babaeng mga pinaglaruan nito.

Sabi nga niya, "Dapat lang sa kanila yun, makarma agad sila at ako ang KARMA nila."iyan lagi niya sinasabi sa amin kapag nakipagkalas na siya sa isang nabiktima niya.

Tumingin ako kay Savannah, ayun na siya at nakikipagusap sa mga babaeng nasa kabilang mesa. Hayzzz, hindi na ba sila nagsasawa sa laro na ito?

[Claire's POV]

 

Nasa tambayan kaming dalawa ni Natalie sa school habang hinihintay namin si Savannah.

"Nat, tumawag sa akin si Britney kanina hinahanap ka nakaoff daw kasi phone mo eh."sabi ko kay Natalie.

Kinuha ni Natalie yung Iphone 6 niya sa bag at in-on. "Inoff ko talaga para hindi niya ako matawagan."walang ganang sagot sa akin ni Natalie.

"Bakit naman?"tanong ko sa kanya dahil yung tumawag sa akin kanina ay si Britney na beking manager niya sa pagmomodel niya kaya mahalaga siguro yung sasabihin ni Britney sa kanya.

"May photoshoot daw kasi kami bukas, kaso sa London pa gaganapin. Tinatamad ako bumiyahe."paliwanag sa akin ni Natalie.

Umiral na naman katamaran niya sa trabaho niya kahit bang sabihin natin na dapat sanay na siya sa mga ganon pero hindi pa rin, madalas pa rin na pinagtataguan niya Manager niya. Sakit nga siya ng ulo ni Britney eh, kawawang bakla. Kaso malaki din naman kinikita niya sa pagmamanage niya kay Natalie, dun na lang siya bumabawi.

"Finally, nandito ka na din. Akala ko kailangan mo pang ipasundo kita ng choper para lang makapunta dito eh."pangungutyang sabi ni Natalie kay Savannah na kadarating lang.

"Nahirapan kasi ako dito eh." malungkot na sabi ni Savannah tapos parang nagaalangan pa siyang iabot kay Natalie yung black na folder na kanina pa namin hinihintay.

"Akin na nga yan. Pinapatagal mo pa Sav eh."iritableng sabi ni Natalie sabay kuha sa black folder na hawak ni Savannah.

Umupo na lang sa tabi ko si Savannah habang binabasa ni Natalie yung nakasulat sa black folder. Napansin ko na parang nanginginig yung kamay ni Savannah at kinakabahan.

Tiningnan ko si Natalie, nakakunot ang kanyang noo sabay sabing "Tingnan mo nga naman...may kasabihan nga tayo na..."Looks can be deceiving."nakangising sabi niya habang tutok na tutok pa rin ang mga mata sa may black folder.

Nagsalitan ako ng tingin kay Savannah at Natalie. Bakit ganon? Parang may malaking pressure sa paligid.

"Patingin nga ako nyan."ng hindi ako makatiis ay hinablot ko sa kamay ni Natalie yung black folder na hawak niya.

Kaya naman pala ganon ang reaksyon nila eh. Titig na titig ako sa may picture ng lalaki na may pangalan sa ibaba na "Kenneth Mag-isa"

Tumingin ako kay Natalie...at nakita ko nakangiti lang siya na parang sinasabi ng mukha niya "Interesting."

A/N: Omo...lagot si Tenten siya next target ni Natalie. Eto na...nagsisimula na yung pinakamain flow ng story sana po magustuhan ninyo. ^_^

Happy Birthday sa pinakamamahal kong Daddy. ;)

FACT: Habang tinatype ko itong  chapter na ito, umalis sandali si Author Kirin sa tabi ko sabi niya magcha2rge lang daw siya. Tapos nagulat ako bumabalik at naghihiyaw...nakakita daw siya ng UFO. Tuwang tuwa dahil sinusundo daw siya ni Matteo Do. Lumabas ako para tingnan yung  sinasabi niya. Pero hindi naman yun UFO, may iba't ibang ilaw lang na nasa langit. Pero tumatalon talon pa rin si Kirin sa tuwa. Well, pagbigyan na lang natin siya, iyon kaligayahan niya eh. Hahaha... Peace yow.

 

Next Chapter Title: FIRST MOVE

 

-ChezZy

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon