💔💔SACRIFICE💔💔

97 7 3
                                    

Nakatanaw sa malayo.

Dinadama ang simoy nang hangin mula sa dagat.

Di lubos maisip kung bakit gayun ang mga nangyari.

Masakit. Sobrang sakit. Halos puputok ang kanyang puso.

Habang nakasandal sa kanyang sasakyan, pilit tinatago ni Jiyou ang sakit nang nararamdaman.

Ang lahat nang Akala sa kanyang isipan, wala palang saysay.

Ang mga sinabi ni Aika sa kanya, parang kutsilyong tumutusok sa kanyang puso.

Bakit pa nga ba niya pinipilit ang sarili kay Aika? Ito' y dahil gusto niyang ipaglaban ang kanyang pagmamahal. Pero, wala din pala.

Parang siyang nawalan nang saysay. Ang kanyang buhay.

Nawalan nang halaga. Dahil kay Aika.

Akmang lalakad na sana si Jiyou palapit sa may dagat nang biglang may huminto na sasakyan sa kanyang likuran.

At nabigla siya nang makita si Chen Xien Ciao kasama ang mga tauhan nito.

Nang makalabas nang sasakyan, bigla na lamang sinuntok si Jiyou sa mukha.

"Where is Aika Chang?"

Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Chen.

Hindi makakilos si Jiyou dahil hawak hawak nang mga tauhan ni Chen ang kanyang dalawang kamay.

"Shen me(what)? Why are you looking for Ms. Chang,  Xien Ciao?"

Nalilitong tanong ni Jiyou. Dumudugo na labi nito dahil sa suntok.

"It's none of your business if I ask about Ms. Chang?" Galit na tugon ni Chen.

"It's none of your business also Xien Ciao. You're not even his friend."

Sa galit, sinuntok ulit sa tiyan si Jiyou.

Wala siyang magawa dahil hindi siya makakilos.

"It's my business now. Aika's soon to be my wife. Where did you hide Aika!" At sinuntok ulit si Jiyou.

Masyadong naramdaman ni Jiyou ang sakit sa pagkakataing ito.

Hindi dahil sa suntok, kundi dahil sa salitang lumabas galing kay Chen.

Magiging asawa na nito si Aika??

"You heard it right you freak showbiz guy? She's mine. And you cannot do anything about it. So wake up!"

At dahil sa paulit ulit na suntok, nakasubsob na siya at biglang bumagsak.

"Where is Aika?" Sigaw ni Chen.

"She's not with me. I don't know."

Mahinang sagot ni Jiyou dahil namimilipit na siya sa sakit.

Tinadyakan siya  ni Chen sa tagiliran sabay alis nang kanyang mga tauhan at mabilis na nagpatakbo nang kani-kanilang mga sasakyan.

Si Jiyou dahan-dahang tumayo at tiniis ang sakit.

Kahit masyadong mahapdi ang mga salitang binitawan ni Chen, nang matantong nawawala si Aika, pag alala ang nasa kanyang isipan.

Aika? Where are you?

At pumasok sa kanyang sasakyan at umalis.

Hahanapin niya si Aika.

Hindi niya mapatawad ang sarili kapag mayroong masamang nangyari dito.

Isasakripisyo niya lahat, pati kanyang buhay para lang kay Aika.

IMPOSSIBLE YOUWhere stories live. Discover now