❤❤HOPEFUL❤❤

189 11 0
                                    

Kinalma ni Jiyou ang sarili.

Biglaan ang mga nangyayari. Hindi niya inaasahan. Kidnapping. Seryosong krimen yun.

Pinag iisipan niya kung bakit humantong sa ganoon ang sitwasyon. Tinatanong ang sarili kung sino ang may pakana?

Hanggang sumagi sa isipan ang ama ni Aika.

No, it can't be.

Pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin siya mapakali.

Tingin nang tingin sa labas nang presento. Hinihintay ang pag dating ni Aika. May pagkakataon naman na nakatitig ito sa kanyang cp.

Hinihintay ang tawag nito. Mag- iisang oras na, wala pa rin.

Nakakabagot.

Mabuti na lamang at meron kumausap sa kanya lalo na nang makilala siya nang mga pulis na babae bilang si Jiyou Gan Liu.

Kahit nakaposas panay pa rin ang picture at video sa kanya nang mga andoon.

Ang iba nga ay nagpapa authograph pa kahit nahihirapan siyang mag sign nang kanyang pangalan.

Hanggang hindi niya namalayang gumagabi na. Wala pa rin ai Aika.

Ang tangi niyang hinhintay.

Dahil sa dismaya. Nakatulog siyang nakaupo lang sa silya. Maya-maya pa ay ginising siya nang isang pulis."Sir Liu, you can go home now."

"Huh?" Hindi niya narinig ang sinasabi nang pulis.

"You're free to go sir."

Tumango na lang siya. Nang matanggal ang kanyang posas pinuntahan niya ang help desk at nagtanong.

"Did someone came here to settle my case?"

"No one sir. We just received a call acquitting you of the crime." Paliwanag nang in-charge.

Bumuntong-hininga si Jiou nang malalim.

She didn't came for me.

Kinuha ni Jiyou ang cp na nakapatong sa mesa at dahan-dahan lumakad palabas nang station.

Sakto ang dating ni Mang Rudy sa police station. Kalalabas lang din ni Jiyou sa pinto.

"Sir Jiyou!" Tawag nito.

Nakilala naman agad ni Jiyou ito.

"Sir, Mam Mia requested me to fetch you here and ferry you to Tagaytay Paradise."

Gusto pa sanang magtanong ni Jiyou ngunit pinigil ang sarili.

Gusto niyang malaman bakit hindi siya pinuntahan ni Aika.

Gusto niya nang paliwanag.

Habang nasa daan. Matahimik lang si Jiyou.

Si Mang Rudy nahiya ding magtanong.

Ayaw kasi nitong manghimasok sa buhay nang kanyang amo.

"Gege(kuya), is it okey if you could drive me back to Manila after we go to Tagaytay Paradise? I'll just get my things." Mahina na may halong lungkot na sambit nito.

Kahit nagtaka si Mang Rudy, hindi na rin ito nagtanong pa.

Naawa siya kay Jiyou. Pero wala naman siya maitutulong. Paano, driver lang siya nang pamilya Chang.

Kahit minsan hinihingan siya nang opinion ng Presidente tungkol sa mga bagay ukol sa negosyo at pamilya tipid ang kanyang mga mungkahi dahil ayaw ni Mang Rudy na baka ma mimis interpret ang kanyang mga sasabihin.

"Okey sir, no problem. Ah, where will you stay in Manila?"

"Just drive me to the airport."

Airport. Sa ganitong oras?

Kinabahan si Mang Rudy.

Kung aalis sila agad sa Tagaytay Paradise,maghahating gabi na ang dating nila sa Manila.

Iiwanan niya doon si Jiyou kasi ibabalik pa niya ang sasakyan sa residence nang kanyang amo.

"Sir are you sure you'll be okey if I left you there at the airport."

"Yeah, no need to worry gege(kuya). I'm gonna be okey."

I will never be okey. Now I know. I am not important to her.

Bumigat pakiramdam ni Jiyou. Kung pwedi lang na sumigaw. Magwala. Ginawa na niya.

Para siyang tanga. Ang inaakala niya na pupuntahan siya ni Aika upang ipagtanggol ay hindi nangyari.

Ang akala niya na okey na sila, hindi rin pala.

Gusto niyang mamuhi kay Aika.

Magalit. Sumbatan ito.

Hindi man nagpaliwanag sa mga pulis na wala siyang maling ginawa.

Pero wala. Pinaasa lang siya. At yun ang masakit.

Pinakamasakit sa lahat.


IMPOSSIBLE YOUWhere stories live. Discover now