♥♥OBSESSION?♥♥

282 17 0
                                    

Nagtaka si Mang Rudy bakit biglang tumawag si Jiyou Liu sa kanya. At bakit hinahanap si Aika.

Tatawag na sana si Mang Rudy kay Aika nang bigla uling tumawag si Jiyou.

"Ah, gege(kuya), where can i find rent-a- car here in Manila?"

Mas lalong nagtaka si Mang Rudy sa tanong.

"Sir, are you here in Manila?"

"Shi(yes), I have an important thing to settle. "

"You want to rent a car?Where are you going? I will inform Mam Mia, and if she'll allow me, I can drive you to that place,"offer nito kay Jiyou.

"No, its okey gege. Xiexie(thank you)." Sa isip nito, hindi pweding malaman ni Direk Mia na andito siya sa Pilipinas.

Ayaw niyang mabahala ito. At ayaw din niyang makadistorbo.

"Ah, but if you cant find a car, just call me, I'll help you?

"Zhen da(really)?"

"Yes, actually I am going back to the house of President Chang to drive back this family car and after that, I am going home to my family in Pasay"

"Hao(okey). Can I wait you here at the airport gege?"

Hindi na nahiya si Jiyou.

Nakaramdam siya nang kaunting kaba.

Hindi kasi niya kabisado ang Pilipinas.

"Sure sir Jiyou. Just wait for me there"

Idinetalye ni Jiyou kung saan siya banda para hindi mahirapan si Mang Rudy sa paghahanap.

Mataimtim naman na naghihintay si Jiyou.

Tiniis niyang maghintay nang halos dalawang oras.

Hindi tinanggal ang cap sa ulo. Mabuti na lamang na walang nakakilala sa kanya.

Dumating din si Mang Rudy. Kahit naka taxi ito papuntang airport, natagalan pa rin ito dahil sa traffic.

"Im sorry sir Jiyou."Humingi agad nang paumanhin ang matanda.

"No need to say sorry. Its okey." Si Jiyou ang humingi nang pasenya dahil sa abala.

"Sir Jiyou, I suggest you should first check-in in a hotel. Tomorrow morning after I drive President Chang to his office, I can fetch you in the hotel and we will find a car for you to use during your stay here in Manila."

Sumang-ayon naman si Jiyou.

Nag check in siya sa Marriot Hotel.

Nag request siya na kay Mang Rudy na lamang pangalan ang ilagay sa guest list. Mabuti na lang at dala nito ang I.D.

Naihatid na si Jiyou ni Mang Rudy sa kanyang silid at nagpaalam na ito.

Humingi nang favor na huwag ipaalam kina Mia at Aika na nandito siya sa Manila. Gustong magtanong ni Mang Rudy ngunit nahihiya ito.

"I will go home now sir. Wait for me tomorrow."

Nakaalis na ang matanda.

Minabuti na lamang ni Jiyou na mag paserve nang pagkain sa kanyang room.

Pagkatapos kumain. Naligo siya. Nagbihis at humiga. Malalim ang kanyang iniisip.

What am I doing? Damn.

Nalilito ito.

Maraming tanong ang kanyang isipan.

Gusto niyang makita si Aika.

Kung magkita sila, anu bang dapat niyang gawin?

Paano kung hindi siya papansinin nito?

Paano kung galit pa rin ito?

Maraming what if's sa kanyang isipan. Pero desidido na siya.

Hanggang ito'y nakatulog.


IMPOSSIBLE YOUWhere stories live. Discover now