CHAPTER TEN:

254 17 0
                                    

Patuloy ang kasayahan.

Gumagabi na.

Natapos din ang inihandang games ni Aika at Manager Alice.

Napagkasunduan nang lahat na matapos ang dinner meron pang pahabol na laro.

Truth or Dare.

Walang magawa si Aika. Ito kasi ang napagkasunduan nang nakararami ng hotel personnel.

"Since matagal tagal din na nawala si Mam Aika dahil doon siya sa France namamalagi, si Mam muna ang una nating tanungin. Okey ba sa inyo?"Tanong ni Manager Alice.

Sigawan at hiyawan ang lahat na ang ibig sabihin ay okey.

Walang nagawa si Aika kundi paunlakan ang gusto nang nakararami.

"It's fine with me. Truth muna ako," hamon ni Aika.

"Okey. Sinong unang magtatanong kay mam?" Si Manager Alice.

"Ako po," sigaw ni Lucille sa likuran

"Ah mam, ano po ba ang feeling na maging anak nang isa sa pinakamayan na angkan sa Pilipinas?"

Tawanan ang lahat.

Medyo napalunok si Aika sa tanong.

Sa totoo lang ito ang pinaka hate niya na topic.

"Well, mahirap din pero masaya."

Napansin ni Aika ba medyo naguluhan ang kanyang staff sa kanyang sagot. Kaya minabuti niyang mag explain na lang.

"Mahirap kasi, parang lahat nang ginagawa mo may nakasubaybay din. Kahit ang mga desisyon mo sa buhay kelangan ayon sa ikakabuti nang pamilya, sa pangalan nang pamilya," lumungkot bigla ang kanyang mukha.

"Pero masaya din hindi dahil nabibili mo lahat nang gusto mo kundi dahil marami kang natutulungang tao at andiyan ang pamilya ko na hindi ko ipagpapalit kahit anumang kayamanan sa mundo."

Ngumiti na din si Aika.

Palakpakan ang lahat.

Alam kasi nang kanyang staff na sadyang matulungin ang kanilang boss pati pamilya nito. Wala pa tauhan na nagreklamo sa klase nang treatment nila sa trabaho.

"May tanong pa ba?" Ika ni Aika.

Tumayo si Alice. Siya ang nagtanong.

"Mam Aika, alam ko nakakahiya, pero itatanong ko pa rin, ah, kumusta na po kayo, I mean, lovelife po ninyo?"

Napalunok si Aika.

Hindi niya inaasahan ang tanong.

Complicated masyado ang sagot. Alam kaya nang staff niya ang mga nangyayari sa kanyang lovelife?

Ayaw niyang sagutin. Ayaw niyang magsinungaling.

"Pweding pass?" Sabay ngiti ni Aika sa kanyang mga tauhan.

"Okey lang mam, pero as agreed by everyone, ang mg pass merong punishment, di ba manager Alice?"

Kulit na sabi ni Lucille.

Hiyawan ang lahat. Kailangan kasing uminom nang isang bote nang San Miguel pilsen or any drinks of your choice.

Napilitan si Aika.

Kinuha niya ang beer at dahan dahang tinungga hanggang maubos.

Palakpakan ang lahat.

Masaya ang kanyang staff sa ipinakita niyang pakisama.

Nagpatuloy ang truth or dare game nila.

Feeling ni Aika dinadaya siya nang kanyang mga staff.

Palagi siyang napapainum nang beer dahil medyo sensitive ang mga itinatanong sa kanya.

Hindi naman sa wala siyang isasagot. Ayaw lang talagang niyang sagutin ang mga tanong. Alam niya sa sarili, lasing ni siya dahil namumula na kanyang pisngi at medyo nahihilo.

Napagpasyahan ni Aika na papasok na ito sa kanyang room para makapag pahinga.

Pag tayo niya, mabuti na lang at nahawakn niya si Alice dahil muntik na siyang matumba.

"Mam, okey lang po ba kayo?"tanong ni Alice.

"Yeah, I'm fine. Don't worry. Everyone, iiwanan ko muna kayo ha? Just enjoy the rest of the evening. Pero wag lang ninyo pabayaan ang resort" pamamaalam ni Aika at hinay hinay na siyang naglalakad palayo sa grupo patungo sa kanyang silid.

Nagpupumilit pa nga si Manager Alice na ihatid siya, ngunit nag insist ito na kaya ang sarili.

Pasuray suray si Aika na naglalakad papunta sa kanyang silid.

Mahirap man maamin sa sarili, pero pakiramdam niya babagsak na siya, hanggang unti-unting dumilim ang kanyang paningin.

"Hold still. Youre gonna be okey"

Ramdam ni Aika na meron umalalay sa kanya patungo sa kanyang kuarto.

Hanggang inihiga siya sa kanyang kama.

Masyadong hilo ang pakiramdam na kahit ang mukha nang umalalay sa kanya hindi niya maaninag.

Naramdaman niya ang malamig na towelette na ipinunas sa kanyang mukha.

"Have some rest. Dont mind me."

Parang wala si Aika sa sarili. Nang iminulat niya muli ang kanyang mga mata.

Mukha ni Jiyou ang kanyang nakikita.

Bigla siyang natatawa sa sarili at parang baliw na nagsalita dahil sa kalasingan.

"Jiyou Liu. I don't know why your face is what I see now. I know its impossible because you are in Taipei. But, hmppp...I hope you're here. I hope you're here with me now."

" I'm crazy. Yeah, I know I am crazy."

"Jiyou."

Pangalan ni Jiyou ang sinasambit.

Hanggang makatulog.

IMPOSSIBLE YOUOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz