❤❤DESTRUCTION❤❤

187 7 2
                                    

"Zhen de?(really). You were detained at the police station there for kidnapping?"

Hindi makapaniwala si Manager Eon matapos ikwento ni Jiyou tungkol sa mga nangyari sa kanya sa Tagaytay Paradise.

Hindi sumagot si Jiyou.

Malayo ang tingin. Sumandal sa sofa at ipinikit ang mga mata.

"It doesn't matter now. Whatever happen to you bro, we will always be here." Si Ken.

Wala mang sagot galing sa kanyang mga labi, naintindihan naman ito nang kanyang mg kaibigan.

"Rest now. You have to gain back your strenght. Life must go on for you Jiyou. Don't feel depressed." Sabay tapik ni Manager Eon sa kanya at umalis muna.

"Ken?" Sambit ni Jiyou.

"Yeah? What is it bro?"

"Dui bu qi(sorry)." Ang tanging salitang lumabas sa kanyang bibig. Alam niya kasing sobra sobra na ang abalang naidulot niya sa kanyang mga kaibigan.

"Why sorry? We're friends. Its okey."

"Xiexie."

"Come on bro. We are always be here for you. Okey?" Assurance ni Venz.

"Let's eat?" Anyaya ni Ken sa mga kaibigan.

At sabay sabay silang kumain

Sa wakas, nakapagpahinga na rin si Jiyou.

Umuwi na din muna ang dalawa nitong barkada.

Habang ngdadrive si Venz, tumawag si Manager Eon.

"Hui(hello)? Manager Eon. Yes?"

Napatigil sa pagdrive si Venz.

Nagulat naman si Ken na nasa tabi nito at muntik pang masubsub sa unahan ang mukha nito dahil sa impact nang pagkakahinto nang kotse.

"Hey! What's wrong with you bro?" Tanong nito sa kabarkada.

Hindi siya sinagot ni Venz dahil kausap pa nito si Manager Eon sa phone.

Halatang magkahalong galit at inis ang maaninag sa mukha nito.

Nang matapos ang kanilang pag uusap ni Manger Eon, halos ibalibag nito ang kanyang cp.

"Bro? Shen me?(what)."

Hindi na rin mapakali si Ken.

"Universal studio cancelled Jiyou's contract bro, including Bench Apparel and  he was also being erase as cast of the new upcoming television series with Director Mia again. I don't believe this bro." Pangamba ni Venz.

Hindi na nakapagsalita pa si Ken.

Paano na si Jiyou. Hindi niya lubos maisip na ganito ang maaring kahihinatnan nang kanilang matalik na kaibigan.

"What are we going to do now bro?"

"I don't know. Manager Eon ask a favor not to tell it to Jiyou. I think he has plan." Lungkot na boses ni Venz.

Kung mangyari man na masira na ang career ni Jiyou. Siguradong ikaka depress ito nang kanilang kaibigan.

Siguradong hindi na ito makakabangon pa, lalo na ngayong hindi lang career ang sira kundi pati PUSO nito.

Ang puso nang kanilang kaibigan na sa unang pagkakataon tumibok.

Pero sa maling tao.

Ang tanging taong nagpagulo at gumugulo sa mundo nito. AIKA KARA CHANG.

IMPOSSIBLE YOUWhere stories live. Discover now