♥♥COMPLICATIONS♥♥

338 17 1
                                    

Nakarating din sa kanyang condo si Jiyou.

"Xiexie (thanks) manager Eon."

"Mei wen ti (its nothing) Jiyou," medyo matamlay na sagot nito.

Medyo nagtaka si Jiyou. Napakunot noo nito.

"Wei shen me?(why) something wrong manager Eon?"

"Meiyou (nothing) , I feel tired. I want to rest and have some sleep Jiyou. See you tomorrow." At umalis na sasakyan nito.

Napailing na lang si Jiyou. Hindi niya alam kung ikaliligaya niya ang muling paghaharap nila ni Aika? O dapat ba niya itong ikalungkot.

Hindi niya inaasahan ang ipinakitang ugali nang kapatid ni Aika sa kanya. Nainsulto man siya nito pero hindi niya ito ipinahalata kay Aika. At si President Chang, ang lahat nang mga sinabi nito sa kanya.

Magulo. Magulo na ang kanyang isip.

Matapos makapagshower. Nagbihis. Umupo si Jiyou sa gilid nang kanyang kama at kinuha ang cp nito. Hinanap sa kanyang phonebook ang pangalan ni Aika.

Ms. Chang.

Gusto niyang tumawag, nag alangan siya dahil ang sabi ni Direk Mia masakit ang ulo nito. Binitiwan niya ang cp at humiga, nakatitig ito sa kisame.

Malalim ang iniisip. Tinakpan ang ulo nang unan.

Ahhh...

Biglang ibinato ang unan.

Aika Kara Chang. What did you do to me?

Pinukpok ulit niya ang kanyang noo ganit anag kanyang kamao.

Para siyang baliw. Hindi mapakali.

Tumayo ito at nagbihis. Lumabas nang silid at dumiritso sa kanyang kotse at umalis nang bahay.

Hindi alam ni Jiyou saan siya patungo. Hanggang makarating sa isang park.

Malalim na ang gabi. Matahimik ang lugar. Gusto niyang magi sip. Mapag isa. Kung magulo man ang buhay niya sa showbiz, mas lalong gumulo ito nang dumating si Aika. Hindi lamang isip niya ang ginugulo. Pati puso.

Nag switch on siya nang music at nilakasan niya ang volume na halos mabingi na siya sa loob nang kanyang kotse. Kanta ni Hebe Tien. Pinaandar niya ulit ang sasakyan at nagpaharurot nang takbo. Papunta siyang Pasouli Club. Maglalasing. Maglalasing mag isa.

Si Aika. Hindi makatulog. Pailing-iling.

Tumayo, nagbihis at lumabas nang silid. Kumatok sa kwarto nila Ajiro. Walang sumasagot. Tulog na siguro.

Bumaba nang hagdanan dala ang maliit na pouch at car key at umalis nang bahay. Magulo din isip nito.

Habang nag dadrive, hindi niya alam kung saan din siya pupunta. Malayo layo na siya sa kanilang bahay at binabay bay niya matahimik na lugar nang Taipei. Nang biglang nag stop ang kanyang sasakyan. Pinaandar niya ulit ito. Ayaw umandar. Start niya ulit.Ayaw pa din. Lumabas siya nang kotse.

My God, walang dumadaan na sasakyan kahit taxi.

Bumalik siya sa loob nang kotse at kinuha ang cp. Nag dial. Tinawagan niya kuya niya. Walang sumasagot. Pati si Mia hindi rin sumasagot.

Dad please pick up. Please answer my call.

Nanginginig na si Aika sa lamig at kaba. Wala pa ring sumasagot. Open niya ulit phonebook nang cp niya.

Jiyou Liu.

Tatawagan ko ba siya? Bahala na.

Binalewala ni Aika ang hiya. Hindi niya kabisado ang Taipei. Mag dadalawang oras na siyang nandoon. Mabuti na lang walang masasamag tao na andoon sa paligid.

Pero, God what if may biglang lalapit sa akin dito. At nagdial kay Jiyou.

Si Jiyou medyo lasing na. Mag -isang umiinom. Lumapit ang manager nang Pasouli Club sa kanya.

"Ni hao (hello) Mr. Liu. You are alone?

"Shi (yes) but don't worry, I am okey."

"Hao (okey) enjoy." At umalis na ang manager nang club.

Nag vibrate ang cp ni Jiyou. Kinuha niya ito. Medyo nagulat. Si Aika ang tumatawag.

"Hui(hello)!" sa kabilang linya.

"Hi, Ms. Chang, it's late already. You called."

"Yeah, I'm sorry. Can I ask you some favor now?"

"Sure. What it is?"

Matapos mag explain ni Aika sa kabilang linya. Dali daling umalis si Jiyou sa club. Nagpaharurot nang sasakyan patungo sa kinaroonan ni Aika.

Papunta pa lamang si Jiyou nang biglang umulan.

I hope she's okey. Sa isip ni Jiyou.

Malayo pa lang siya tanaw na niya ang isang sasakyan na nakastop sa gitna nang daan. Mabuti na lang at walang sasakyang dumaan. Huminto siya sa likuran nang kotse nito.

"Are you okey?" Tanong ni Jiyou

"Yeah," sagot ni Aika pero pansin ang garalgal na boses. Halatang kinakabahan.

"What are you doing? You don't know Taipei much and yet you went out without any companion?" Galit na tuno nang boses ni Jiyou.

"Come out. I'll drive you home." Sabi ni Jiyou. Basa na ito sa ulan.

"How about this car?"

"Don't worry. I'll call my friend Ken to take care of this car."

Lumabas na si Aika sa sasakyan.

Tinanggal ni Jiyou kanyang jacket at tinakpan ulo ni Aika para hindi masyadong mabasa. Dali dali silang pumasok sa kotse ni Jiyou.

Nang nasa loob na sila kinuha ni Jiyou ang cp nito at tinawagan si Ken.

"Nothing to worry. My friend promise to take the car here. You're cold."

Pansin ni Jiyou na nanginginig si Aika sa pag kakaupo. Switch off niya ang aircon nang sasakyan at umalis na sila.

Katahimikan.

Maririnig lamang ang background music na pinapatugtug sa car stereo ni Jiyou. Hanggang nagsalita si Aika.

"Thank you." Sabi Aika. Tiningnan lang siya ni Jiyou.

Hindi ito sumagot. Focus lang ito sa kanyang pag dadrive hanggang huminto ito sa tapat nang building.

Building nang condo ni Jiyou.

IMPOSSIBLE YOUWhere stories live. Discover now