❤❤TRUE COLOR❤❤

125 9 0
                                    

"It's impossible to penetrate KAI Company Mr. President," mungkahi nang isa sa mga stockholder nang Chang Group of Companies.

Nasa Board Meeting sila.

"Bakit naman?" Tanong ni President Jujimo.

"It's because they able to commit their selves to our greatest rival, the ZOLO's. And besides, I heard, a wedding is set on the last quarter of this year between KAI and ZOLO." Paliwanang ni Director Suarez.

KAI Company. Isa sa malaking kompanya na nagmamay-ari nang Shipping Lines sa bansa.

Ninais kasi ni President Chang na makipag merge sa kanila dahil ito na lang ang kulang sa kanyang negosyo, Shipping Lines.

Mas mabuti kasing hawak din nang mga Chang ang dagat dahil nakakatulong ito sa transportation nang kanilang textile at sasakyan saang sulok man nang bansa.

Wala na kasi silang problema sa himpapawid dahil very stable ang kanilang airline na negosyo. Si Ajiro ang humahawak din nito.

"Mukhang mahihirapan ata tayo niyan," sambit ni President Chang.

"Any recommendation about this everyone?" Tanong nito sa board.

"There's a better way President Chang. And I think it might work," mungkahi ni Director Mendez.

"Go on."

"Why not try to merge our company with the Ciao in Taipei. Alam naman nating lahat na hindi lang sasakyan ang negosyo nila doon, pati barko meron din sila. And, not just in Taiwan, they are already international."

Napaisip bigla si President Chang.

Oo nga naman. Bakit hindi ko iyon naisip. Matagal na palang merong shipping lines ang mga Ciao.

"That's a good idea Director Mendez. But I guess, malaki- laking puhunan kailangan natin dito."

"Definitely, malaki din kailangan nating i-invest. Pero, if we could be able to convince the Ciao, it's our advantage. Sigurado akong manghihina ang KAI Mr. President," kumbinsi ni Director Mendez.

"I'll try to talk to President Ciao. Hope we'll get an approval."

At nagpalakpakan ang lahat.

Sigurado kasi silang makukuha ni President Chang ang gusto para sa kanilang kompanya.

Natapos din ang Board Meeting.

Naiwan si President Chang sa silid.

Nagmumuni-muni kung tama ba ang kaniyang gagawin. Masyadong mabigat na naman na pabor ang kanyang hihingin kay President Ciao.

Kung gagawin man niya ito, siguradong mayroong kapalit.

"Arianne?" Tawag niya sa kanyang secretary.

"Yes, President," at dali-daling lumapit ito sa amo.

"Call the Ciao and set me an appointment with them. I'll fly to Taipei in four days time," utos nito.

"Right away sir."

Sigurado na si President Chang sa pakikipag –merge sa mga Ciao.

Ayaw niya sana, ngunit ito ang desisyon nang board.

Sa totoo lang, matagal na na panahon gustong makipag-merge ang Ciao sa kanila.

Siya ang ayaw. Hindi niya sinasabi ang tunay na dahilan kay President Ciao.

Kapag nangungulit, palagi out-of-t;he country ang kanyang excuse dito. Delaying tactics ika nga.

Meron kasing natuklasan si President Chang sa tunay na pagkatao nang kanyang inaakalang matalik na kaibigan sa negosyo.

Ang taong kanyang pinagkakautangan nang loob. Alam niyang mahirap mabayaran ito. Pero gayunpaman, dahan-dahan siyang bumabawi.

Nang mag proposed kasi itong mag-open nang car business sa Pilipinas as extension nang kanyang negosyo sa Taiwan, si President Chang ang humanap ang bumili nang site at nagproseso sa lahat nang mga kakailanganin.

Naging mausbong naman ang car business nang mga Ciao sa Pilipinas. Hindi nakuntento. Humingi ulit ito nang iba pang pabor.

Ninais na mahawakan ang Realty sector sa negosyo. Tinulungan naman niya ito at naging matagumpay din.

Kulang na lang talaga na mag-merge ang kani-kanilang kompanya.

Kung marunong tumanaw nang utang na loob ang mga Chang, kabaliktaran ang mga Ciao.

Ni hindi halos ina-acknowledge ang naibahagi nang mga Chang sa kanilang tagumpay sa negosyo sa Pilipinas.

Lahat inako at ito daw ay dahil sa kanilang pagsisikap at diskarte sa negosyo.

Minsan, nakakakapang-hina nang loob sa parte nang mga Chang dahil hindi kasi maipagkakaila ang kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad nang Ciao businesses.

Kaya mula noong matantiya ni President Chang ang tunay na kulay nang mga Ciao, kung pwedi lang niya itong iwasan, iiwasan niya talaga.

Subalit, maliit lang ang mundo at business.

Magkaka cross pa din ang kani-kanilang landas.

IMPOSSIBLE YOUOnde as histórias ganham vida. Descobre agora