❤❤THAT FEELING❤❤

213 13 3
                                    

"Ma'am. I thought you don't like the night life?" Tanong ni Aya sa kanyang amo. Nilakasan ang boses para siya marining nito.

"I like to bond with my friends at night Aya, but not all the time. I have to focus on my work."

Ngiti lang ang tugon ni Aya. At patuloy na ito sa pagsasayaw.

Walang pakialam.

Hanggang nakaapak siya nang paa nang taong nasa kanyang likuran.

"Ayy, dui bu qi(sorry)," sabay lingon at tinitingnan ang kanyang naapakan.

Huminto din muna si Aika sa pagsasayaw at hinawakan si Aya na medyo na out balance.

"What happened Aya?" Tanong nito.

Hindi siya sinagot nang katulong dahil masyado itong nababahala sa taong kanyang naapakan.

"Me guanxi. Wo hao."(It's nothing. I'm okey). Sagot nang lalaki.

Nang maaninag ni Aya ang mukha nito, imbis na magsalita dali -dali itong tumago sa likuran ni Aika.

"Ma'am Aika."

Nanginginig ito sabay yakap kay Aika sa likuran.

"Hey Aya?"

"Ma'am," sabay turo sa lalaki na nasa harapan na ng kanyang amo.

Nang tingnan ni Aika kung sino ang taong pinagtataguan nito bigla siyang napalunok at uminit ang pisngi.

Hindi rin siya makapagsalita.

Jiyou!

Hindi agad maigalaw ni Aika ang kanyang katawan.

Para siyang binuhusan nang yelo.

Hindi niya inaasahan na magkaka cross ulit ang kanilang landas ni Jiyou.

Hindi pa siya handa.

"Ms. Aika Kara Chang," bigkas ni Jiyou sa kanyang pangalan.

May halong determinasyon at panunumbat.

Walang salitang lumalabas sa bibig ni Aika.

At dahan dahan siyang umatras palayo kay Jiyou.

Si Jiyou naman palapit nang palapit sa kanya.

"I don't know why we keep on bumping with each other Miss Chang?" Patuloy nito.

"Why and why?" Matalim na pagkakatitig ni Jiyou sa kanya.

Hindi pa rin makapagsalita si Aika. Dahan-dahang dumaloy malamig na pakiramdam mula paa paakyat sa kanyang batok.

Natakot siya bigla sa mga titig ni Jiyou. Nagbabadyang panganib.

Pati si Aya hindi alam ang gagawin.

Sa malayo nakamasid lang sina Ken at Venz.

Biglang hinablot ni Jiyou braso ni Aika at sapilitan niya itong dinala sa labas nang bar.

Sumigaw si Aya.

Nagtinginan ang ibang customer. Hindi makagalaw sina Ken.

Hindi inaasahan ang ginawa ni Jiyou.

Nagpupumiglas si Aika. Ngunit lalo pang hinigpitan ni Jiyou ang kanyang pagkakahawak.

At walang pag aalinlangang ipinasok ito sa kanyang sasakyan sabay lock nang mga pinto.

Nang makapwesto siya sa driver set, agad -agad nagpatakbo nang mabilis.

Nagpanic si Aika. Ni hindi man lang niya nabitbit ang kanyang cp para meron siyang matawagan at makahingi nang tulong.

Hindi niya alam ang gagawin.

"What do you intend to do now Mr. Liu? You're gonna kidnap me as a revenge?"

Hindi sumagot si Jiyou.

Patuloy ito sa pagmamaneho nang sasakyan.

Mala demonyo na ang expression nang mukha nito. Lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo.

"Do you want to be killed? Will you please slow down?"

Nanginginig na si Aika.

Galit at pagakamuhi ang nakikita niya kay Jiyou.

Nakarating din sila sa kanyang condo.

Pagkahinto, naibsan ang takot na nadaramam.

Nang makalabas nang sasakyan, mahigpit pa rin ang hawak ni Jiyou sa kanya hanggang nasa loob na sila.

Nakaramdam siya nang sakit sa kanyang mga braso.

"Let go of me, please?"

Nagmamakaawa na din ito. At binitiwan na siya ni Jiyou.

"Do you know what you did now might cause you trouble? You kidnapped me. It's a serious crime Jiyou," giit nito.

"I don't care. I really don't care!"

Matigas at pasigaw na sagot ni Jiyou sa kanya.

Nilapitan siya nito.

"If this is what you want. I don't care Miss Chang. You already gave me lot of trouble. You did even killed me."

Sumbat nito sa kanya.

Hindi siya makasagot ka Jiyou.

"I died then, starting the day when you left me without any hesitation in Tagaytay," halos sasabog puso ni Jiyou at hindi na magtatagal aagos na luha nito.

"Sh*t! I don't want to cry in front of you Aika. I am Jiyou Gan Liu. This is not me. This is not me!"

Nahabag ang loob ni Aika.

Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang sabihin lahat lahat.

Hindi niya lubos akalain na ganito na pala katindi ang sakit na kanyang naidulot.

"Jiyou," sambit ni Aika at nilapitan niya ito.

"Go on Ms. Chang. Do whatever you want. I dont mind the hurt anymore."

Manhid na si Jiyou sa lahat nang sakit na naidulot ni Aika sa kanya.

Wala na siyang nararamdaman.

Hindi na napigil ni Aika ang sarili.

Niyakap niya si Jiyou na nakatalikod.

Hikbi lang ang tanging naririnig mula sa kanya.

"I can bear the pain you've given me Ms. Chang. But I can't bear losing you forever."

Huminahon na si Jiyou.

Walang pagdadalawang isip na ipinaalam kay Aika kung gaano ito kaimportante sa kanya.

Mas lalong tumulo kanyang mga luha.

Hindi niya inaakala na ganito siya kahalaga kay Jiyou.

Humarap si Jiyou sa kanya.

"Tell me now. Tell me frankly Miss Chang. Who am I to you? Please, I'm begging you?"

Nagsusumamo si Jiyou sa kanya.

Litong-lito na isip ni Aika.

Nangingibabaw kanyang pagmamahal kay Jiyou sa mga sandaling iyon, ngunit ayaw niya itong masaktan at mapahamak.

Paano niya sasabihin ang lahat.

Paano niya ipaintindi dito na hindi ganoon kasimple ang sitwasyon.

Sa mga sandaling iyon, ninais ni Aika na sana hindi na siya si CEO Chang at isang ordinaryong tao na lamang.

Nahihirapan ito.

Nahahati ang puso.

Pamilya at kay Jiyou?


IMPOSSIBLE YOUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant