❤❤NOTHING COMPARES❤❤

119 11 0
                                    

"So, what can you say about CEO Chang?" Si President Ciao tinatanong ang anak.

"I like her. And beside she is good enough for this family." Abot-taingang ngiti nito.

"Finally, you did able to find it. I'll call President Chang, and set for a possible arranged marriage," pagmamalaking sambit ni President Ciao sabay alis.

Arrange marriage.

Customary na nang pure Chinese families na ipapakasal ang kanilang mga anak kahit wala itong relasyon. To preserve the wealth and name of the family.

Matagal na panahon ang hinintay ni President Ciao. At ito na nga dumating na.

Noong nalaman niya na naging successful sa kanyang business ventures si President Jujimo Chang, ninais na niya na mag merge ang kanilang negosyo pati angkan sa pamamamagitan nang pagpapakasal nang kanyang anak na babae o lalaki man.

Kailangan nang mga Ciao na umusbong pa ang kanilang negosyo hindi dahil on bankruptcy na sila, ito'y dahil talagang gahaman at selfish ang kanilang lahi.

Matulungin man sa paningin nang iba, meron palang itong vested interest.

Ngayong talagang nasa elite class na pamilya ni President Chang, ninanais nito na magkaroon nang ugnayan ang kani-kanilang dugo.

At sa pagkakataong ito, hindi makakatanggi si President Chang sa iaalok ni President Ciao dahil siguradong UTANG NA LOOB ang gagamitin nito para mapakasal si Aika at Chen.

"You're dreaming Chen Xien Ciao," sarkastikong sabi ni Lei sa kapatid.

"Dreaming?Shen me si ( What do you mean)?" Kunot noong tanong nito.

"Haven't you heard the trending news here in Taipei?" Pailing-iling na sambit ulit ni Lei.

"What news? Will you tell me directly?"

Medyo nainis na ang tono nang kanyang boses.

Tumayo si Lei at diritsahang hinarap ang kapatid.

"Ni shi bai chi (You're stupid). CEO Chang will not fall for what you and dad are planning. She's not that insensitive with her feelings," giit ni Lei.

"Zhen de (really)?"

Hindi kumbinsido si Chen sa paliwanang nang kapatid.

"Zhen de, zhen de ( really, really). If you recall her brother Ajiro married a movie director. Not a woman who can help him in his ventures in business." Nakataas kilay ni Lei.

"It only mean, President Chang do not intervene on the matter of marriage, ni ming bai (you understand)?" sabay taas nang kilay ni Lei.

Di makapagsalita si Chen sa mga sinasabi nang kapatid. Totoo kasi ito.

Nagpakasal si Ajiro Chang kay Mia na isang movie director at wala ni kahit isang issue tungkol sa kasal nila.

Walang komento galing sa kanilang ama. Bagkus, makikita pa sa mga mata nito ang saya noong panahon nang kasal.

"I don't care. Dad will surely do his best to win the Chang, specially Aika Kara Chang," giit nito sa kapatid.

Kampante itong matutuloy ang plano nila nang kanyang ama.

"I doubt it. If you'll insist, you have to deal also with Jiyou Gan Liu. My x-boyfriend whom you hated so much before," giit ulit n Lei.

Napatigil si Chen.

Paano napasok ang pangalan ni Jiyou Liu?

That stupid showbiz guy! Sa isip nito.

"Jiyou Liu? What business he had to do with me and CEO Chang?"

"Find it your self my dear brother. And when you know the truth behind it, gain all your charm and wealth for a real battle. See you on your wedding day. Zaijian (bye)!"

At iniwan ni Lei ang kapatid na nanggagalaiti sa inis.

Pumasok ito sa kanyang silid.

Nagngingit-ngit ang kalooban ni Chen.

Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nang kapatid. Ngunit isa lang ang nasa kanyang isip. Karibal niya si Jiyou Gan Liu kay CEO Chang. Pero, wala siyang pakialam.

He is a nobody to me. He is just a showbiz freak that anytime can turn into a mess!!

Sigurado na siya. Gagawin niya ang lahat para matuloy ang plano nila nang kanyang ama. Hindi lamang dahil sa negosyo.

Hindi niya maipagkaila nang makita niya si Aika sa personal, naakit siya agad.

Di lang sa mukha, tinding, kundi buong pagkatao nito. Hind lang pala sa mga larawan at social media ito maganda.

Well, let's see. I'll prove to you my sweet sister that you're wrong. I will have Aika Kara Chang as my wife. Whatever it takes.

IMPOSSIBLE YOUWhere stories live. Discover now