❤❤PART OF ME❤❤

153 12 1
                                    

"Thank you for coming everyone."

Nakipagkamayan si Aika sa architect at engineering team na incharge sa construction nang AKJ Resort sa Taipei.

Natapos din ang kanilang meeting. Sa wakas makapagpahinga na siya.

Nasa Taipei na si Aika. Sa unang araw pa lang sinubsub na niya ang kanyang sarili sa trabaho.

In a week time, sisimulan na ang pagpapatayo ng resort.

Sumasakit kanyang ulo. Hindi pa kasi siya nakapagpahinga, paglapag nang eroplano, diritso siya sa meeting.

Minabuti niyang hindi magdala nang sasakyan, nag taxi lang ito para di masyadong mapagod.

Nang makarating sa bahay ni Mia, agad-agad siyang pumasok sa silid at humiga.

Hindi na niya ininda na makapagpalit nang damit. Nakatulog siya agad.

Mag aalas sais na nang gabi nang siya'y magising dahil sa ring nang kanyang cp. Si President Ciao ang tumatawag.

"Hello President Ciao. What can I do for you?"

Iniimbita pala siya nito nang dinner. At pinaunlakan niya ang imbitasyon.

"Okey, thank you."

Bumangon si Aika sa pagkakahiga at naligo.

Hindi niya alam bakit matamlay pa rin ang kanyang pakiramdam gayong nakapagpahinga na siya.

Inayos niya ang kanyang mukha. Nag make-up nang light lang.

Pero kahit anung gawin niya sa sarili, walang kabuhay-buhay ang kanyang mukha sa salamin.

Huminga si Aika nang malalim. Hindi niya maintindihan ang sarili.

Walang ganang umalis nang bahay, ngunit nakapag commit na siya kay President Ciao.

"Aya?" Tinawag niya katulong ni Mia.

Nagmamadaling lumapit si Aya sa kanya.

"Aya, I'll be having dinner with the Ciao. I might be late going home tonight."

"Mei wen ti (no problem) mam."

At umalis na si Aika.

Parang lumulutang pa rin ang kanyang pakiramdam. Dahil habang nagdadrive siya nang sasakyan, halos di niya nakita na naka stop sign na ang traffic light.

God! Anu ba itong nararamdaman ko? Bulong niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang nagmamaneho hanggang makarating sa meeting place nila ni President Ciao.

Pagkapasok niya sa loob agad siyang sinalubong nang staff nang restaurant.

Malayo pa siya nang maaninag niya mukha ni President Ciao nakaupo sa mesa. Merong mga kasama.

"Good evening CEO Chang." Bati nito kay Aika.

"Good evening too." Sabay upo nito.

"By the way, I would like to introduce to you my daughter Lei and my son Chen."

Nakipag biso-biso si Aika sa dalawang anak ni President Ciao.

Si Lei Yen Ciao, anak na babae ni President Ciao.

Sa pananamit pa lang, halatang sopistikada. Hindi mo na makita ang conventional chinese legacy dahil makabago na gawi nito. Maganda. At higit sa lahat, mukha pa lang, maldita.

Si Chen Xien Ciao. Guapo, matipuno ang katawan.

Halatang mahilig din mag work out dahil makikita mo sa braso pa lang. Charming. Di mahirap gustuhin. Artisahin ang dating.

Artistahin.

Biglang lumipad isip ni Aika.

Naalala niya tuloy si Jiyou. Lalong bumigat kanyang pakiramdam.

"Nice to meet you finally CEO Chang." Bigkas sabay ngiti ni Chen sa kanya.

"Yeah, I've heard you through my dad CEO Ciao. Nice to see you in person. Likewise to your sister Lei."

Pinapasigla ni Aika ang kanyang sarili.

Iwinawaglit ang biglang pagsagi ni Jiyou sa kanyang isip.

Nagkwentuhan sila habang kumakain.

Maraming tanong sa kanya si Chen. Work related, at pati personal life niya.

Pinabayaan lang ni President Ciao ang kanyang anak.

"I heard that you're still single CEO Chang?" Biglang sabi ni Chen.

Napatigil si Aika sa pagkain at diritsong tiningnan niya sa mata ang kausap.

Uminit ang kanyang tainga. Nakaramdam nang inis.

"Yeah. And I think there is nothing wrong being a single?" Pataray na pagkabigkas nito.

Nakahalata si CEO Chen sa tono nang pananalita ni Aika.

"Definitely. There's nothing wrong being single. I am single too CEO Chang."

"Ah," napalunok ulit si Aika.

Bumawi at nginitian na nito si CEO Chen.

"I feel good being single. You can do whatever you want. Lei here is loveless too. She doesn't want to be like that, but she's no good in relationship." Sarkastikong sabi ni Chen sabay tingin sa kapatid.

"Gege (kuya)? Will you stop that?"

Nakuha naman agad ni Chen ibig sabihin nang kapatid kaya tumigil ito.

Masalita si CEO Chen. Halos lahat na lang nang oras siya ang nagkukwento.

Sa isip ni Aika gusto na niyang matapos ang dinner para makauwi na.

Sa wakas, natapos din ang dinner. Agad siyang nagpaalam kay President Ciao.

Si Chen, biglang lumapit at akmang hahalikan siya sa pisngi.

Hindi niya ikinagagalak ang kilos nito kaya bigla siya tumalikod.

Presko.

Hindi niya nagustuhan ang gagawin sana sa kanya.

Kahit alam niyang nainsulto ito. Wala siyang pakialam.

Gusto na niyang makauwi. Lalo kasing sumakit ang kanyang ulo. Pakiramdam niya nanghihina na siya.

Kinalma niya ang sarili sa loob nang kanyang sasakyan.

Sumandal siya sa kanyang upuan at huminga nang malalim.

Ipinikit ang mga mata. Kinikilatis sa isipan ang buong pagkatao ni CEO Chen.

Ngunit kahit pilitin niyang isipin mukha nito, umaagaw at umaagaw pa rin mukha ni Jiyou.

Kahit pilit niyang binubura si Jiyou .

Hindi pa rin niya malimutan. Alam niya mahirap.

Parte na kasi si Jiyou nang kanyang buhay.

Nang kanyang pagkatao.

Nang kanyang PUSO.


IMPOSSIBLE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon