CHAPTER NINE:

310 16 0
                                    

Na headline news ang gulo na kinasasangkutan ni Jiyou.

Maraming bashers, marami din naming patuloy pa rin na sumuporta sa kanya. Pero hindi maikakaila na malaki ang epekto nito sa kanyang mga indorsement.

Ang masaklap pa, ang ibang company hindi na siya nakapag renew nang contract.

Napag-alaman ito ni Aika. Ngunit nananig pa rin sa kanya na ipag-walang bahala ito.

Ayaw na niyang makialam.

Ayaw na kasi niya nang problema.

Hindi man siya tinatanung nang ama nito pati kapatid na si Ajiro, batid niyang alam na nila ang mga nangyari.

Hindi lang siya pinapangunahan nang kapatid kung anu ang dapat niyang gawin.

"Yes, good morning President Ciao. Okey, thanks a lot."

Si President Ciao, tumawag at ipinaalam kay sa kanya na may nakita na itong site para sa resort na itatayo.

Pupuntahan ito ni Aika para na din ma finalize ang plano at makauwi na siya nang Pilipinas.

Nasettle na ang lahat.

Nag-site inspection siya kasama ang architect at engineer na pinadala rin nang Ciao Corporation.

In two months time, masisimulan na ang construction.

Napagod si Aika. Habang nag dadrive pauwi sa Taipei,hindi niya maiwasang masulyapan ang mga big billboard kung saan si Jiyou ang indorser nang iilang fashion lines.

Bigla siyang nalungkot. Sinabayan pa nang background music nang kanyang sasakyan.

It has to be like this. Sa isip niya.

Sa wakas, nakauwi na rin Aika sa Pilipinas.

Pagdating niya nang bahay, walang tao. Napag-alaman niya na nasa merging engagement pala ang kanyang ama at kapatid.

Nasa CBA Production din ang kanyang sis-in-law para sa upcoming project nito.

Naliligo sa pool ang kanyang mga pamangkin. Sumaya at least ang kanyang pakiramdam nang mayakap ang dalawang chikiting kahit ito ay basang-basa.

Nagpaalam muna siya dito para makapag-pahinga.

"Hello Ky, I'm here na. Yeah, sure," si Kylie, at nag set agad ito nang bonding.

Pinagbigyan naman niya ang kaibigan dahil promise niya ito.

Mag hahating-gabi na nang dumating ang kanyang ama at Ajiro. Hindi lang muna siya dinisturbo sa pagkakatulog.

Kinaumagahan, unang siyang nagising. Naisipan niyang maligo sa pool.

Nagtatampisaw siya doon nang dumating ang kapatid.

"Sis, welcome back."

"Anu yan? Parang galing akong outer space ah," medyo taka na sagot nito sa kapatid.

"Wala lang, medyo merong nag-iba sa iyo kasi,"

Namula bigla ang pisngi ni Aika.

Nahalat ito ni Ajiro kaya medyo bumawi.

"Ah, lalabas daw kayo mamaya nila Kylie sis?"

"Oo nga pala, kasi promise ko yun sa kanila. Sama ka?"

"Hindi muna, meron akong pupuntahang opening nang hotel sa isa sa ka sosyo natin sa negosyo. Kayo lang muna sis. And don't forget to enjoy."

"Okey."

Umahon na si Aika sa pagbababad sa pool.

Sabay-sabay silang nag breakfast.

Nagbigay nang update si Aika sa kanyang ama tungkol sa resort sa Taiwan. At nag -instruct ang ama na babalik siya doon pag nagsimula na ang construction.

Kahit medyo mabigat sa loob na tanggapin ang utos nang ama, pilit niyang pinahinahon ang kalooban.

Ayaw na muna niyang bumalik sa Taiwan para makalimot at para din hindi na niya makita si Jiyou Liu.

"Sure dad."

Napansin ni President Chang ang pag-iba nang facial expression nang anak.

Imbis na maghahatid ito nang excitement dahil matutupad na rin ang isa nitong pangarap na makapag pilot project sa ibang bansa nang resort, lungkot ang kanyang nakikita.

Kinabahan bigla si President Chang, hindi kasi lingid ka kanyang kaalaman ang mga nangyayari sa anak.

"Aika, something wrong?" Tanong nito sa anak.

"Wala naman dad. Kulang pa ata ako sa tulog," pilit pinapasaya nito ang sarili upang matakpan ang tunay na nararamdaman.

IMPOSSIBLE YOUWhere stories live. Discover now