CHAPTER ONE:

1.3K 27 0
                                    

♥♥AIKA KARA CHANG♥♥

Mag aala-una na nang umaga.

Hindi mapakali si Aika habang nag dadrive.

Malayo ang iniisip niya. Uuwi na naman siya nang Pilipinas kinabukasan. Para sa kanya, gusto na lamang niya mag stay sa France.

Magulo kasi para sa kanya ang Pilipinas. Hindi dahil sa traffic, sa kapaligiran, kundi dahil sa family business nila.

Kung bakit pa kasi ipinanganak siya sa isa sa pinakamayaman na angkan.


Ayaw niyang maki pag halubilo sa business world. Isinasama kasi siya nang kanyang ama anytime merong conference kaugnay sa negosyo, mga business meeting at merging.

Gusto niyang mabuhay nang simple lang. Pero kahit anung pa ang kanyang gagawin,  mahirap nang mabago ang kanyang buhay.

Biglang nag ring  cellphone ni Aika.

"Hello dad. Opo. 1:00PM flight ko bukas. See you soon. Bye."

Ganito buhay ni Aika. Halos oras oras tumatawag daddy niya para mag check at kung anu anu lang ang itinatanung.

Si AIKA KARA CHANG.

Bunsong anak ni Mr. JUJIMO CHANG. Ang may ari nang maraming 5 star hotel sa Pilipinas. Presidente nang Chang Group of Companies. May ari nang Brewery, Malls at maraming factory, cars at textile companies.

Maganda si Aika, dahil nga meron siyang dugong Japanese at Chinese.

Sa Japan siya ipinanganak. Dinala siya nang daddy niya sa Pilipinas dahil dito na sila nag stay.

Graduate siya nang Financial Management sa Harvard University at nag masters na din doon.

Bakit nga pala napadpad siya sa France? Sa France, dito siya dinala nang sobrang curiosity  sa culinary.

Ewan niya ba? Parang gusto niyang matutong magluto kung tutuusin meron naman silang cook sa bahay.

Doon siya nag aral at nakapagtapos din nang culinary. Masyado siyang nabighani sa kagandahan ng France kaya halos hindi na siya umuuwi nang Pilipinas.

Maliban sa pagluluto, mahilig din siya sa sports.

Akalain mong muntik na siyang kunin bilang varsity player sa Harvard University kung saan siya nag aral nang kanyang Financial Management na course. Pero dahil nga masyadong busy ang kanyang  buhay, hindi na lang niya tinaggap ang offer nang University noon.

Si Aika ay ang tipong babaeng girls scout. Di siya mahilig sa pa kikay na image.

Gusto nga lang niya simple. Jeans and shirt okey na. Pero during meeting sa business nila, doon lang siya nag po-formal attire.

Kahit ganoon kayaman kanyang pamilya, ayaw niya na makita siya sa media, o television.

Kung ang daddy niya halos palaging laman nang news sa tv, iba siya, ni ayaw nga niyang ma interview. Kaya halos walang nakakilala sa kanya.

Maraming nang nagtatanong kung anu ba mukha nang bunsong anak ni Mr. Chang.

At last, nakarating din siya sa kanyang condo. Wala siyang kasama. Natutu na siyang maging independent simulang mag stay siya dito.

Pagkatapos maligo ay nagkape. Ganito routine niya bawat gabi bago matulog.

"Hello daddy, dito na ako sa bahay. Good morning po," sabay ngiti.

Alam niyang mag uumaga na nang tumawag siya sa kanyang daddy.

Minsan kasi dahil sa sobrang pagod, nakatulog siya agad, nakalimutan niyang tumawag dito, kinabukasan marami na palang miss calls daddy nito. 

IMPOSSIBLE YOUWhere stories live. Discover now