♥♥SECRETS♥♥

277 19 0
                                    

Unang gumising si President Chang. Mag aalas 5 na nang umaga Nakita niya agad sa labas nang gate nang bahay ni Mia ang kotse na ginamit ni Aika.

Pumanhik siya nang hagdaan patungo sa silid nila Ajiro.

"Iho, wake up. Alas 5 na. 6AM flight ko pabalik nang Pilipinas." Binuksan ni Ajiro ang pintuan.

"Ok dad. Sana dad next time mag pa private plane ka na lang. Antok pa ako eh,"

"Hindi na. Okey lang ako sa commercial plane. Mas enjoy ako doon. Marami akong makakausap."

"Sige dad, ligo lang ako."

"Hala, sige. Baba na kayo at mag breakfast na tayo."

Nagising na rin si Aika at Mia pati na rin ang makukulit nitong mga pamangkin.

Sabay-sabay na silang nag -aalmusal.

"Andiyan na pala ang kotse sa labas nang bahay." Banggit ni President Chang.

Napalunok bigla si Aika sa kanyang kinain.

"So, inihatid na pala nang PULIS dad?" medyo tuyu ni Ajiro sabay tingin kay Aika.

"No. Walang pulis nakita ko sa labas eh. Pagkagising ko andoon na sasakyan," si President Chang.

"Ah, dad, ako po yung unang nagising kanina mga around 4:30 at nakausap ko yung pulis. Nagbigay na din ako sa kanila nang kaunting pera pang-almusal," lakas loob na sabi ni Aika.

Nagsinungaling ulit ito.

"Ganoon ba iha? Mabuti naman."

Kung napaniwala niya ang kanyang ama. Si Ajiro ayaw maniwala.

Ngunit hindi ito nagsasalita. Kumakain lang ito.

"Hon, dad, I almost forgot. Mamayang 5PM din pala uwi namin sa Pilipinas. Naka booked na kasi ako at me schedule agad ako bukas na meeting with the AZM Production. I guess they want my services as a director."

"Ha? Dad, what about me? Ako na lang dito sa bahay mamayang gabi?" si Aika.

"Don't worry sis, andito naman mga katulong eh. Andyan si Aya," sabay kampay sa katulong.

"Si Aya bahala sa iyo dito sis." Pag aassure ni Mia.

"And," nag butt-in si Ajiro.

"Wag kang lumabas mag -isa. Baka anu na naman mangyari sa iyo? Bibigyan ka uli nag T-SHIRT nang mga mababit na pulis dito sa Taipei."

Pahapyaw na sabi ni Ajiro.

"Kuya naman. Hindi na mauulit iyon. Promise."

"You should. Dahil you're my only sister. I don't want that something bad happen to you."

"Okey, hala na. Alis na tayo iho." At nagpaalam na si President Chang.

Inihatid na ito ni Ajiro sa airport. Mabuti nalang at hindi masyadong malayo ang airport sa bahay nila Mia.

Nakalipad na eroplano ni President Chang papuntang Pilipinas. Pauwi na din nang bahay si Ajiro.

Habang nasa daan, meron itong tinatawagan.

"Hui (hello). This is Ajiro Chang. Meron akong papagawa sa iyo. I'll send you the details through your email. Xiexie."

IMPOSSIBLE YOUNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ