Acre XLI (Part II) - Truth be told

2.5K 68 5
                                    

Acre XLI (Part II) - Truth be told

Hindi magkamayaw ang mga senaryong tumatakbo sa isip ni Marini. Kanina pa siya balisa at tila hinahanap ang lakas na walang pasubaling tumakas nang malaman niyang itutuloy talaga ang pag-salang kay Magus sa bola ng buhay. Lalo na sa mga oras na ito sapagkat nasa loob na ang dalaga at kasalukuyan ng nilulukob ng enerhiya ang bola.

Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan, susugurin, niya ang mga inakala niyang kaibigan ni Magus, ng babae na minsan niyang itinuring na salot sa kaniyang buhay ngunit ngayon ay itinuturing na niya itong kaibigan hindi man alam ng huli, dahil hahayaan na lamang ng mga ito na mangyari ang kagustuhan ng nakararami.

"Hey!" Nabaling ang atensyon ng dalaga sa kaniyang tabi nang hinawakan siya nito sa balikat. "Can you please relax yourself? Ito na ang pinakahihintay mo." Napatitig na lamang siya sa kaibigan. "Mawawala na si Magus sa Heavenacre!" Nangunot ang noo ni Marini sa tinuran ng kaibigan. Tila hindi nagustuhan ang mga salitang binigkas nito.

"You don't know what you're talking about!" Aniya na muling ibinaling sa mga kaibigan ni Magus ang tingin.

"What? Gusto mo naman talagang mawala na si Magus, hindi ba? Nang wala nang aagaw sa mga bagay na dapat ay sa iyo!" Naiinis na sambit ng kaibigan niya. Marahas namang tumayo si Marini, nag-eeskandalo man ay hindi sila pinapansin dahil nakatutok lahat ng atensyon kay Magus, at sinamaan ng tingin ang kausap "I don't want Magus die. I want my friend live." Makikita sa mata nito ang kaba at inis.

"W-what?!" Hindi malaman ng kaibigan ni Marini kung para saan ang tanong niyang iyon. Kung sa pagsabi ng huli na ayaw niyang mamatay si Magus o sa salitang kaibigan? "Just shut up!" Ani Marini bago pinuntahan sina Salver.

Nang marating niya ang patutunguhan ay napansin niya ang iilang butil ng pawis na namumuo sa noo ng Prinsipe. Nagtataka man kung bakit, iwinaksi na lamang niya iyon. Ang ipinunta niya ay kwestiyonin ang mga ito. "What brought you here?" Si Zeel agad ang nakapansin sa presensya ng dalaga. Kahit tutok sila kay Magus, ramdam niya ang masamang tingin na ipinupukol sa kanila.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Marini. "Bakit hindi niyo pigilan ang ginagawa nila kay Magus?" Hindi nagustuhan ni Alexa ang tinanong sa kanila. "Dahil wala kaming maisip na ibang paraan!" Sagot nito na mas nagpaigting ng inis ni Marini. "Walang magawa? Kahit buhay na niya ang nakataya? Nagpapatawa ba kayo? Hanggang ngayon ba naman wala kayong gagawin para sa kaniya?!"

All of them caught offguard. Sandaling napatid ang kanilang dila. Parang sinampal sila ng katotohanan. Totoong wala sila magawa kundi sundin ang inuutos ng Hari sa kanila kahit na gusto nilang tulungan ang kaibigan. "Ginawa na namin ang lahat pero wala pa rin." Ani Salver, nahihirapan man sa paghinga dulot ng di malamang dahilan ay sumagot na siya, kay Marini. "Nagpapatawa ba talaga kayo? Pwes! Hindi ako natatawa!" Turan ng dalaga. Hindi na niya mapigilan ang namumuong galit sa grupong kausap niya.

Sandaling natahimik ang mga bata ng tumikhim si Kolhberg "Ms. Viltron, don't make a fuss. Magus'll make it."

Marini mentally scowled and averted her gaze to the two member of Elders "Sorry for my rudeness but...." Hinarap niya ang grupong binabantayan ng dalawang Elders "I won't stay anywhere and watch my friend slowly dying inside that damn ball." Mapanuya niyang sabi "And yes she'll live 'coz I'll stop this s-hit!" Tumalikod siya at nagsimulang maglakad.

Gumuhit ang sakit sa dibdib ng mga kaibigan ni Magus. Wala ba talaga silang magagawa? Si Marini na naman ba ang tatayo para sa kaibigan nila? Tama bang sabihing kaibigan sila ng dalaga o mas nagiging kaibigan pa nito ang babaeng kumuwestiyon sa kanila?

Bago pa man makalayo sa grupo ang dalaga, nagtanong na si Sting. "I thought you don't want Magus yet you told us just now that you treat her as your friend."

Acre 1: The Erroneous IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon