Acre XXXVII (Part II) - Let the demon inside you dance

2.6K 68 6
                                    

Acre XXXVII (Part II) - Let the demon inside you dance

Ramdam ko ang pananakit ng aking likuran nang imulat ko ang aking mga mata. Noong una ay malabo pa ang aking paningin ngunit nang magtagal na ng ilan segundo ay luminaw na ito.

Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog kung hindi ko lang narinig ang pagpasok ng isang Mage, hindi ko alam kung kawal siya ng palasyo. Narinig ko ang sinabi niya na marami na ang sugatan at kailangan na pumunta sa clinic ng Academy ang healer na gumagamot sa akin sapagkat ang ibang healer ay nanghihina na sa dami ng nagamot ng mga ito sa Training room ng Elysian Palace. Nang makaalis ang Mage saka lamang ako gumalaw upang matawag ang pansin ng healer.

Pinilit kong umupo kahit na nanghihina na ako, nagmadali naman siyang lumapit sa akin upang tumulong. “Salamat po,” Nginitian ko siya. Tinitigan niya lamang ako. Bakas sa mukha niya ang pagkalito. “Ba-akit po?” Umiling siya at bahagyang ngumti.

She walks toward the table and took something from it. Muli siyang lumapit sa akin and handed me a tumbler. “Inumin mo ito para bumalik na ang iyong lakas.”

Inabot ko iyon kahit na naguguluhan ako. I didn’t break my eye contact on her even when drinking. Nang mainom ko na lahat ng laman ay ngumiti siya sa akin. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”

Nangunot ang noo ko sa klase ng— w-wait, bak-kit.... Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala na akong maramdaman na sakit kahit saang parte ng aking katawan. Nagawi ang tingin ko sa tumbler. Bumalik ang lakas ko ng makainom ako ng laman non. Ganitong ganito ang naramdaman ko nung uminom ako ng tubig na nanggaling sa Yin and Yang Temple.
Tinanong ko siya kung ano ang nangyari. Ang taging sinabi niya lamang ay, “Ilang beses ka ng nakainom niyan.” Lumakad siya palapit sa pinto matapos niyang sabihin iyon. Bago pa man siya makalabas may sy sinabi na naman siya sakin. “Hindi ko alam kung anong mayroon sa iyo at kung bakit sa tuwing napapahamak ka, sila pa mismo ang tumatawag sa akin para gamutin ka.” And with that tuluyan na siyang nakaalis.

Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng guilt para sa mamamayan ng Acre na dapat inuuna niya kaysa sa akin. Alam ko naman na kaya niya lamang ginagawa iyon ay dahil inutusan siya. Kung tutuusin ay may dahilan siya para tumangging gamutin ako, ang alam kasi nila ay isa akong tao. Iyon na rin siguro ang dahilan niya kung bakit kakaiba ang tinging ibinigay niya sa akin kanina noong may pinainom siya sa akin.

Saglit pa akong nag-isip bago mapagdesisyonang pumunta sa clinic ng academy. Gusto ko ring malaman kung ano ba ang nangyayari.

Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto. Idinungaw ko muna ang aking ulo to check if there is someone roaming around. Sinilip ko ang kanang pasilyo maging ang kaliwa, ng masigurado kong walang Light Mage na nasa paligid ay mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan.

Maingat ako sa bawat paghakbang na aking ginagawa. Mahirap na baka mahuli pa.

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. I just feel like doing it. I know it’s weird pero ipagpapatuloy ko na lang.

Malapit ko nang marating ang pinto palabas ng palasyo ng dali-dali akong napatago sa kurtina na malapit sa akin. Tinutop ko rin ang aking bibig upang masiguradong hindi ako mahuhuli ng mga kawal.

“Siguraduhin niyong hindi siya makakalabas ng kwarto, magulo pa sa labas. Panigurado ring tayo ang mananagot sa mahal na Hari.” Ani ng tinig na hindi pamilyar sa akin. Ngunit sino naman kaya ang— wait...... Don’t tell me, it’s me. “Walang duda iyon. Lalo na ngayong hindi pa natin alam kung may natira pang mga Dark Magi sa labas.”

Nangunot ang noo ko sa sinabi ng isa. Mga Dark Magi? Sa labas? May lumusob na mga Dark Mage dito o yoong mga kawal na nagpapanggap ang tinutukoy nila?

Acre 1: The Erroneous IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon