Acre XXVI-Start of something new

3.9K 127 5
                                    

“Just because you are confident about them, doesn’t mean they can’t keep a secret or two to you.”

View point of Magus

Papunta ako ngayon kila Master Kolhberg dahil wala naman akong kasama sa dorm. Sina Suzy at Alexa ay may pinuntahan. Naki-pagmeet kay Steph, ‘yong kasama siguro nila dati na nakita ko sa Elysian Palace noong birthday ni Salver. Sinasama nila ako pero sabi ko lakad nila iyon na magkakaibigan. Saka hindi ko pa kilala si Steph sa personal tapos makikiepal ako? Hindi na lang, may hiya rin ako.

Pwedeng lumabas ngayon outside the academy, pinayagan kami ni VP. Ang problema ko ngayon ay ang daan papunta sa bahay ni Master Kolhberg. Paano naman ako makakapunta doon ng hindi ko alam ang daan? Nagteleport kami dati papuntang Academy kaya hindi ko alam.

Saan ba? Kaliwa o kanan, o kaya diretsong daan? Which is which?

Nagpalinga-linga ako baka sakaling may mapagtanungan kung saan ako dadaan, kung mayroon man baka kung ano pa ang isipin.

Mapapabuntong hininga na lang talaga ako dito.

“Hey, Nymphs! Pwede niyo po ba ituro sa akin ang daan papunta sa bahay ni Master Kolhberg?”

Argh! Sige lang Magus. Tanungin mo pa na parang sasagutin ka niyan….

Napatigil ako sa panenermon sa aking sarili nang biglang umilaw ang earring at necklace ng dalawang Nymphs. Maya-maya lang ay may dalawang maliit na ilaw ang lumabas doon, when it merge nabuo ang yin-yang symbol.

“Wow!” Napatingin ako sa dalawang Nymphs. Seryoso? Ituturo nito sa akin ang daan? Baka naman nag-a-assume lang ako?

“Thank you po!” Nevertheless, I still bowed down my head as a sign of thank you.

Lumakad na ako nang magsimulang gumalaw ang yin and yang. Sinusundan ko lang kung saan ito pupunta.

Gusto ko lang muna sabihin kay Master Kolhberg na hindi ako lilipat sa AL-A1. Kung si Marini nga ay tumanggi raw dahil hindi naman nakalaban ‘yong division na ‘yon, ako pa kaya? Laking insulto kay Marini n’on. Saka ayos naman na sa akin ang ganito. Basta alam kong may mga kaibigan ako na handang dumamay sa akin ay ayos na. Hindi naman nakikita sa Division ang pagkakaibigan kaya mananatili ako sa dating division ko pangrespeto na rin sa mga classmates ko na lumaban.

Hindi ko maiwasang isipin ‘yong naging gala namin kanina. Kung gala nga bang matatawag ang ginawa ng iba? Sa totoo lang ay parang kami lang talaga ni Sting ang gumala dail sila Myhrr ay nandoon lang nagtampisaw sa tubig, pero kami, nilibot ako ni Sting sa  paligid. Nakakaasar nga ang isang ‘yon. Inasar ako ng inasar na muntik pa akong mapaiyak. Ngayon ko napatunayan na kaibigan niya talaga sila Czillex! Baliw rin s[ya katulad nila.

“Why don’t you court her?”

Natanong ko na lang ‘yan noong muntik niya na akong mapaiyak kanina sa mga trip niya kaya ayon napatigil ko sa pang-aasar sa akin. Nakakaseryoso rin naman kasi ang tanong ko.  At ang sakit sa puso, este sa full bangs ang sagot niya hehe!

“Yeah! She really is the one I’m after but not now, I don’t know if she feels the same way.”

“Oh, I see. Can you describe her?”

“She’s a bittersweet, she knocks me off my feet. She’s a mystery she’s too much for me. But I keep coming back for more. She’s just the girl I’m looking for.”

Sakit, no?—sa bangs hehe! Paano niya kaya malalaman kung hindi niya susubukan. Timang rin. And by the way, ang gara ng boses niya naaka-relax. Ang ganda at ang galing niya pumili ng kanta para i-describe ‘yong girl.

Acre 1: The Erroneous IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon