Twenty Sixth

193 9 0
                                    

Yeri's POV

Pagkaalis ni Jungkook ay taka akong tumitig kila unnie at sa BTS.

"Anong nangyari kay Jungkook?" tanong ni Irene unnie.

Hihilain sana ni Rosé si unnie kaya nagsalita na ako.

"Bakit? Anong meron kay Jungkook, unnie?"

"Nagpapatawa ka ba, Kim Yerim?" medyo galit na tanong ni Irene unnue sa akin kaya naman nagulat ako. "Si Jungkook ang nagbantay sayo simula noong maoperahan ka hanggang sa magising ka."

Tuluyan na binulungan ni Rosé si Irene unnie kaya napatingin ito sa kaniya. Maging sila Joy unnie at ang BTS ay gulat ding napatingin kay Rosé.

"Tapos? Hiniling ko ba na bantayan niya ako ng ganun katagal?"

Lumapit naman sa akin si Seulgi unnie at hinimas ang buhok ko. Tumango ito sa akin at ngumiti. "Drop the act, Yerim. Ginawa ko na iyan dati." mahinahong sabi niya.

"What are you talking about? Anong act?"

Tumayo ng tuwid si Seulgi unnie at huminga ng malalim.

Napatingin ang lahat sa biglang pagdating ni Abigail unnie sa kwarto.

"Huwag! Totoong may selective amnesia si Yeri!"

"Abi.."

"Wala ako sabing amnesia! Wala akong nakalimutan!" angil ko. "Bakit ba pinipilit niyong may nakalimutan ako!? Wala nga sabi!"

Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sa kirot na naramdaman ko.

"Ah.."

"Si Jungkook.." bulong ni Seulgi unnie pero sapat na para marinig ko.

Napatingin ang BTS kay Seulgi unnie. "Puntahan niyo na siya, kami na ang bahala dito." sabi ni Seulgi unnie at ngumiti.

Agad na lumabas ang BTS. Lumingon sa akin sila unnie.

"Ano bang sinasabi niyo? Hindi ko nakalimutan si Jungkook! Alam ko ang pangalan niya!"

"Oh sige! Kung iyan ang gusto mong paniwalaan!" padabog na umalis si Joy unnie.

"N-naaalala ko siya, unnie.. Hindi ko nakalimutan si Jungkook." may nakita akong kislap sa mata nila noong sinabi ko iyon. "Miyembro siya ng BTS, ikaw Irene unnie, ex mo si V oppa. Si Seulgi unnie, ex niya si Jimin oppa. Boyfriend naman ni Joy unnie si Suga oppa. Tatay ni Winter si Jin oppa. Si Jhope yung dating nanliligaw kay Yuri unnie tapos si Rapmon oppa yung crush ni Sowon? Diba?"

"Eh anong naaalala mo kay Jungkook?" tanong ni Wendy.

"Maknae siya ng BTS?"

Nagkatinginan naman sila unnie.

"Bakit? May iba pa ba akong nakalimutan?" tanong ko naman.

"Irene.." tawag ni Abi unnie kay Irene unnie at umiling.

Yumuko ako at pumikit.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Yerim?" tanong ni Abi unnie.

"Masakit ang ulo ko, unnie.." nakapikit kong sabi.

"Magpahinga ka na, gigisingin ka na lang namin kapag iinom ka na ng gamot."

Ibinaba nila ang higaan ko kaya naman huminga ako ng malalim at pumikit.

"If it is an idol, I'm going to choose Jungkook oppa from BTS because he is very talented and I think that he is a good person."

Jungkook's POV

"Jungkook! Buksan mo 'to!"

Isang oras na ang nakalipas at patuloy pa rin ang kalampag na ginagawa nila hyung sa pinto ng kwarto ko pero nanatili akong nakaupo.

WW3BTVE BOOK 2: Still In LoveWhere stories live. Discover now