Twenty Eighth

79 6 0
                                    

Jungkook's POV

Napangiti ako ng mapait habang nakikita ko ang likod niyang papalayo na sa akin.

Bakit pa ba ako aasa? Last time I check, pinapalayo na niya ako sa kanya.

Bumalik na ako sa aking kotse at bumalik na sa bahay.

"Oh, kamusta?"

Tumingin ako kay Jin hyung.

Ngumiti lang ako at umiling.

"Still the same Yeri. Hindi na magbabago yon, hyung. Kahit pa siguro hindi siya nakalimot, ganito pa rin ang sitwasyon. Tanggapin na lang diba? Nakakapagod rin ipagsiksikan yung sarili ko sa taong walang kasiguraduhan."

"Everything has a reason, Jungkook. Pero kung pagod ka na talaga, I can't blame you. Nakita ko lahat ng pinagdaanan mo while waiting for her to come back. Lahat ng hinanakit mo.. I saw all of it. Pero hindi ba sayang? Hindi mo ba narealize na pagkatapos ng lahat ng to, magiging worth it?"

"Pagod na talaga ako, hyung. Sana makaalala siya habang hindi pa ako nakakamove on sa kanya. Sana.." Sabi ko at saka umakyat sa kwarto ko.

Isinetup ko ang tripod at ang aking camera. Siguro, ito na ang huling video na gagawin ko.

So far, mayroon na akong 19 na videos na puro tungkol kay Yeri.

Pinindot ko na ang play button at saka pumwesto ng maayos sa kinauupuan ko.

"This is the twentieth," yumuko ako at saka tinapos ang sasabihin. "And the last. Sorry, I need to fix myself."

Halos pabulong kong sabi.

Naramdaman ko na namang nagtubig ang aking mga mata, sumikip ang aking dibdib, hindi makahinga.. That same old feeling I felt since she left.

Seulgi's POV

"Sabi raw ni Yoongi oppa, hinatid ni Jungkook si Yeri." ani Joy.

Hindi pa naman ganon ka-gabi pero ewan dahil sobrang nag-aalala kami.

"Baka naman kinausap na siya ni Jungkook? Let's just wait, okay?" Sabi naman ni Wendy.

"What? Tangina, wala na ba tong katapusan!?" Napatingin kami kay Irene unnie na humahangos pababa ng hagdan. Tinuro niya ang kanyang phone. "Sige, Shin. Salamat."

Tumingin siya sa amin. "Sinugod nila Shin sa Samsung."

"Wala si Jungkook?" Takang tanong ko.

"I don't know! Tara na!"

-

Habang nasa biyahe, kinuwento ni unnie ang sinabi ni Shin sa kanya.

"Umiiyak daw. Hagulgol. Tinanong daw nila kung anong nangyari pero hindi sumagot." sabi ni unnie.

"Tapos ayon nga daw, napaluhod, nakahawak sa ulo, hanggang sa mawalan ng malay."

Tinawagan ko si Jimin, lumingon sa akin si Irene unnie. "Huwag muna ipaalam kay Jungkook, pakisabi."

"Chim," tawag ko agad sa palayaw niya nang sagutin niya ang tawag ko.

"Wala man lang hi o hello?"

"Andiyan na ba si Jungkook?" tinanong ko agad.

"Huh? Oo, kanina pa, mag-iisang oras na. Hinatid niya si Yerim."

"Hindi! Sa Winter Velvet nakita si Yeri! Nahimatay! Walang Jungkook!"

"Ha!? Nahima-"

"Shh," pagpapatigil ko sa kanya agad. "Huwag daw munang banggitin kay Jungkook."

WW3BTVE BOOK 2: Still In LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu