Twenty Third

181 12 3
                                    

Jimin's POV

"Naaksidente si Yeri-"

"Huwag na tayong makialam diyan, Taehyung." putol ko sa kanya.

Akala ko ba gusto na niyang makalimutan si Irene? Bakit lapit pa rin siya ng lapit sa mga bagay at taong malapit dito?

"At Seulgi.." dagdag niya.

Napatingin ako sa kanya ng ilang segundo.

"Kung ayaw niyong pumunta, ako pupunta ako." sabi ni Jungkook at sumakay sa kotse ni Taehyung.

"S-sasama ako.." sabi ni Namjoon hyung.

"Ako rin!" sabi ni Hobi hyung saka pumasok sa kotse.

Binalingan ako ng tingin ni Taehyung. "Ano? Sasama ka ba?"

Mariin akong pumikit para makapagisip.

Kung pupunta ako.. Baka magkagulo ulit dahil paniguradong andun si Kai. Kung pupunta ako.. Baka naman magalit sa akin si Bieber. Kung pupunta ako.. masasayang yung pag-iwas ko.

Umiling ako at pumasok sa bahay.

Ilang linggo matapos yung nangyari sa bar, hindi na ulit ako lumabas ng bahay. Maliban nalang kung maggueguest kami o magpeperform sa isang music show. Nilibang ko yung sarili ko.. Inentertain ko si Jeongyeon na nireto sa akin ni Nayeon..

Masaya ako sa nangyayari sa akin.. Nakakaya ko nang hindi tumingin ng kung anong article o news about kay Seulgi. Kaya ko nang maging masaya.. Kaya ko nang hindi siya isipin.

Pero ngayon.. Naaksidente siya.. Car accident..

Pucha, Jimin! Ang bobo mo talaga! Bakit ngayon mo lang narealize na malala yung nangyari!?

Kaagad kong binuksan ang tv para tingnan kung may balita.

"Red Velvet members: Seulgi and Yeri, nainvolve sa isang car accident. Sinasabing ang truck sa harap nito ay sobrang mabilis ang pagpapatakbo ngunit biglang huminto kaya naman bumangga sa likuran ng truck ang kotse. Umaabot naman sa milyon ang expenses dahil sa naging damage ng ferrari ng artistang si Yeri. Humingi naman ng paumanhin ang may-ari ng shipping company na pinagtatrabahuhan ng truck driver. Hindi daw muna magbibigay ng pahayag ang SM Entertainment habang unconcious parin ang dalawang artista. Balik sayo, Mr. Lim."
"Maraming salamat, update naman mula sa Samsung Medical Center, ospital na pinagdalhan sa dalawang miyembro ng Red Velvet, nasa kritikal kalagayan ngayon ang nagmaneho na si Yeri at stable ngunit hindi parin nagigising si Seulgi na nakasakay sa backseat. Maliit lamang ang natamong pinsala ni Seulgi ngunit si Yeri ay kailangang operahan dahil sa maraming dugo ang nawala sa katawan nito."

Kinuha ko agad ang jacket ko at sumakay sa aking kotse.

Nakaya kong hindi isipin si Seulgi noon pero ngayon parang gusto kong bumalik sa bisyo ko.. Parang hindi ko na nga talaga kayang mawala siya.

Pinaharurot ko ang kotse papuntang Samsung Medical Center.

Agad kong tinungo ang front desk.

Hindi ko alam ang itatanong ko dahil mukhang gulat ang nurse na nasa harap ko.

Nakita ko rin ang ilang media na kumukuha ng litrato ko. Shit!

"Room ho ni Kang Seulgi?" tanong sa akin ng nurse.

Agad akong tumango.

"Sakay po kayo ng elevator paakyat sa 15th floor, turn right po then look for room 540, doon po ang room niya." sabi nito sa akin at ngumiti.

"Wait, nurse, nasaan yung kwarto ni Kim Yerim?" tanong ko.

"Nasa ICU po siya.." may binulong sa kanya ang kasama niyang nurse. "Uhm, ililipat po siya ng OR after an hour, sir." sabi niya saka nag-bow

WW3BTVE BOOK 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon