Fifteenth

267 12 0
                                    

Yeri's POV

Libing kahapon ng lola ni V oppa. Ngayon ay pabalik na kami sa Seoul dahil magcocomeback na kami.

Kasama ko sa kotse ko si Jungkook. Take note, kaming dalawa lang.

Bwisit.

Si Joy unnie naman ay nakasakay sa kotse ni Suga oppa.

Si Irene unnie naman ay nasa kotse ni V oppa.

Ewan ko pero parang nagkabalikan si Irene unnie saka V oppa. Saka nakita ko sa mga mata ni Irene unnie kung gaano siya nag-alala nung nalaman niyang namatay yung lola ni V oppa.

"Y-yeri.." Napalingon ako kay Ilong saka tumingin ulit sa kalsada.

Oo, ako yung nagdadrive. Natural, kotse ko to e.

"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa kalsada.

Nilingon ko siya kasi di siya nagsalita.

"Wala, wala." Sabi naman niya.

Lumingon ulit ako sa kalsada at nag-kibit balikat nalang.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"W-wala na b-ba t-talaga?"

Napalingon ako dahil sa sinabi niyang yon.

Naka-tungo siya.

Itinabi ko yung kotse sa isang park.

"Akala ko ba, suko ka na?" Tanong ko habang nakatingin sa labas.

"Di ko kaya Yerim. Paturo nga.. Paano mo nagawang kalimutan ako?"

"I learned from the pain." Nakatingin pa rin ako sa labas, iniiwasang tumingin sa kanya dahil alam kong maiiyak rin ako kapag nakita ko ang kalagayan niya.

"Nasaktan rin naman ako, ah? Bakit ikaw pa rin!? Kahit ang sakit sakit na, bakit ikaw pa rin!?"

Napapikit ako sa sigaw niya at kasabay non ang pagtulo ng mga luha ko.

"Kalimutan mo na ako. We both deserve someone better." Sabi ko habang nakayuko.

"Fuck that better girl!" Narinig ko ang hikbi niya. "I only wanted the best.." Rinig ko pang bulong nito. "I only wanted you.."

"Ayoko na, Jungkook. Itigil mo na." Pagod na sabi ko.

"Bakit ba hindi mo ako mabigyan ng chance? Kahit yung chance lang, Yerim.. kahit yun lang.."

"Masisi mo ba ako? You are my first love, Jungkook! Ikaw! Alam mo sa sarili mo kung gaano ako kauhaw sa pagmamahal noon! Pero anong ginawa mo? After making me feel loved, sinaktan mo ako? Gaano ka kagago!? Ha!? Sabihin mo sakin! Ako ba yung mali!? Ha?"

"Ako.. ako yung mali.. I'm sorry." Yumuko siya. "Pero.. yung ibibigay mo na chance ka Jaehyun.. Pwede bang akin nalang iyon?"

Napatingin ako sakanya at nag-kunot ng noo.

"Nung gabing nakipagusap ka kay Jaehyun sa bakuran. Nung may nalaglag na paso.. Nakahawak ako dun sa lalagyanan non. Sa sobrang selos ko, hinawakan ko ng mahigpit yon kaya nanginig at bumagsak sa akin yung nasa bandang itaas na mga paso. Nabasag dun sa pangalawang mataas na lalagyan. Hanggang sa nalaglag sa braso ko. Kaya ako nagalit kasi narinig ko na bibigyan mo ng chance si Jaehyun.. Am I not worthy for a second chance?"

WW3BTVE BOOK 2: Still In Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें