Fourteenth

357 17 1
                                    

Wendy's POV

"Mommy! Let's go na!" Tawag sakin ni Winter habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

I'm wearing a blue tube top and white high-waisted skinny pants. Tinernuhan ko ng navy blue na stilletos. Di rin makapal yung make up ko.

Lumabas na ako at nakita ko si Winter na naka puting sleeveless dress na hanggang tuhod at naka-flats na navy blue rin.

Hinila na niya ako pababa.

Nakita ko si Jin na nakasandal sa kotse niyang itim.

Naka puting longsleeves siya na tinupi hanggang siko. Naka-navy blue jeans at puting top sider ang sapatos nya.

Di naman kami mahilig sa puti at blue ngayon.

It's been two days at nasa Daegu pa rin sila Irene unnie, Joy at Yeri.

Pinagbuksan ako ni Jin ng pinto sa frontseat kaya sumakay ako. Pumasok na rin si Winter sa backseat.

"Are you really sure about this, Wendy? Not that I don't like this idea. Parang mas gusto ko ang unang sinuggest ng manager mo."
Sabi ni Jin habang iniistart ang makina ng kotse.

"No. Di naman tayo magpapakasal e. Sasabihin lang natin na may anak tayong dalawa. Pumayag na sa desisyon ko ang kompanya niyo at namin. Nahihirapan na si Winter kapag lumalabas tayo, kasi lagi tayong naka-disguise."

"Fine, fine." Sabi nito.

Dumiretso kami sa SBS Conference Hall. Ang alam ng mga tao ay magkakaroon lang kami ni Jin ng contract signing para sa isang collaboration pero iaanounce din naming may anak na kami.

Pagkarating namin ay gulat ang mga tao dahil may kasama kaming bata.

Siguro ay nagtataka na sila dahil kamukhang-kamukha ni Jin si Winter.

Dumiretso kami sa conference hall ng SBS.

May naka-handang long table at limang upuan. Sa harap non ay naka-set up ang mga ilaw at camera ng iba't ibang reporters at journalist.

Umupo na kami doon.

Manager ng BTS | Jin | Winter | Ako | Manager namin

Nag-simula na ang contract signing at pinirmahan na namin ang mga kontratang binigay samin.

Nagsimula na silang magtanong about sa collab namin ni Jin.

"Anong genre ng kanta ang maaari naming abangan sa collab niyo?" Tanong ng isang reporter galing sa isang sikat na TV station.

"Ballad po ang genre ng album namin." Sagot ni Jin.

Madami pang katanungan at nagsimula na silang magtanong tungkol kay Winter.

"Sino ang batang babaeng kasama niyo?" Tanong ng isang journalist.

Tiningnan ko si Winter at binigay sa kanya ang microphone para makapag-salita.

"Uhmm.. Annyeonghasseyeo.. I'm Winter Savanna Son-Kim."

"Anong papel ang gagampanan mo sa collaboration ni Wendy at Jin?" Tanong pa ng isang reporter sakanya.

Tss. Gago lang? Baka maintindihan.

"Wala po." What the? Did she just speak in Korean? (Yung tagalog po ay Korean kunyari.) "Sabi po ni Mommy, iaannounce daw po nila ni daddy na anak nila ako." Inosenteng sabi nito.

Nagsimula nang umingay sa loob ng hall.

"Sino ang mommy at daddy mo?" Tanong naman ng isa pang journalist.

WW3BTVE BOOK 2: Still In LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt