CHAPTER NINETEEN(Finale)

6.7K 201 28
                                    

CHAPTER NINETEEN(Finale)

"You missed me. You really missed me!" Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa. Kung hindi lang mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya ay tumalon na talaga siya. "Ibig bang sabihin niyan, sinasagot mo na ako?"

Napangiti ito.

"Talaga palang nililigawan mo ako?"

"Oo naman! Ano nang sagot mo?"

Bilang sagot ay muli siya nitong kinabig at mariing hinalikan sa labi. Pagkatapos ay niyakap niya ng mahigpit.

"Hinabol kita sa airport noon. Pero hindi kita naabutan," anito sa punong tenga niya.

Libo-libong boltahe ng kuryente ang nadama niya.

Saka lang siya nakasagot nang magsink sa utak niya ang sinabi nito. Tumingin siya sa mukha nito.

"Really? I didn't know..."

"Ofcoarse you didn't know. Nakaoff ang phone mo noong tinatawagan kita."

"I... I'm sorry. Ikaw naman kasi. Maglalasing-lasing ka tapos hindi mo sasagutin ang tawag ko. Si Lionel pa ang nakasagot. Nagtampo tuloy ako kaya ing off ko ang phone ko.

Nagpasabi na lang ako kay Lionel... Bakit ka nga ba naglasing noon?"

Okay lang kahit sabihin nitong si Cheryl ang dahilan. Tutal mukha naman nakamove on na ito sa pagtingin nito sa babae.

"Si Kevin kasi... You know Kevin Mariano, right?" Tumango siya. "Iyon nga. Nagyaya siyang inuman kami. For a celebration daw dahil nainlove na din ako sa iba. Kevin was my bestfriend aside from Cheryl. Alam niya ang lahat ng nararamdaman ko kay Cheryl..."

"Wait... You mean, it's a celebration?... Dahil inlove ka na sa akin?"

"Bakit ba napakatalino mo, hm?" natatawang ikiniskis nito ang ilong sa ilong niya.

"Ako pa."

Siya na ang umabot sa labi nito.

Sa totoo lang ay natatawa siya sa sarili. Hindi naman pala si Cheryl ang dahilan kaya hindi niya dapat ito pinagselosan. To think na may paemote-emote pa siyang nalaman nang mga panahong iyon. Minsan talaga ay tagilid siyang mag-isip.

"Teka lang..." tulak niya dito. "Pumunta muna tayo sa reception. Baka hinihintay na nila tayo doon."

Hindi ito tuminag sa pagkakayakap sa kanya.

"I just want to give you something... Return, rather." May dinukot itong panyo sa bulsa at ipinakita iyon sa kanya.

"Remember this?"

Ilang saglit din siyang nakatingin doon bago maalala ang panyong iyon.

Iyon ang pobreng panyo na kinawawa niya sa pagsalo ng lahat ng luha niya bago siya umalis sa bansa.

"How...?" namamanghang tumingin siya dito.

"Nang nasa airport na ako, umupo ako sa waiting area. May nag-abot sa aking bata ng panyong ito."

"How did you know that it's mine?"

Nangingiting isinubsob nito ang mukha sa leeg niya.

Hindi mabilang na kiliti ang naramdaman niya sa ginawa nito. Nararamdaman niya pa ang waring pag amoy nito dito.

"Loven, ano'ng ginagawa mo?"

"I love you, Yhen," anas nito sa tapat ng tenga niya.

"H-ha?" Waring nabingi siya sa sinabi nito. Guni-guni niya lang ba iyon?

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now