CHAPTER SEVEN

4.1K 111 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"Hi! Kanina ka pa nandiyan?"

Napakurap naman ito na tila noon lang natauhan.

"Yeah." Ibinaling nito sa iba ang paningin at nilagok ang natitirang alak sa kopitang hawak nito.

"Narinig mo?"

"Oo... Hindi ba't girlfriend ka ni Jake? And yet okay lang sa iyong malaman na magkasama sila ni Cheryl ngayo," tiimbagang na sabi nito. "Tell me, saan dinala ng boyfriend mo si-- ang girlfriend ko?"

"Girlfriend?" Tumawa siya. "You knew I don't believe that she's your girlfriend, my dear."

"Yeah? Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Now, tell me, saan dinala ng lalaking iyon si Cheryl?"

"Bakit mo pa ba siya hinahanap eh nandito naman ako?"

"I don't need you."

Hindi niya na lamang ito pinatulan. Nagkibit balikat na lamang siya.

Lumipat siya sa kaliwa nito.

"Pakapit, ha? Nahihilo kasi ako eh," aniya sabay yakap sa bewang nito.

"Ano ba?" piksi nito. Pilit na tinatanggal ang mga braso niya pero hindi niya iyon tinanggal. Hinigpitan niya pang lalo ang pagkakapulupot dito.

"Umayos ka nga, Yhen!"

"Hmm. I really like it when you're saying my name."

Nakapikit na humilig siya sa dibdib nito. Nakakarelax talaga ang init ng katawan nito. Parang gusto niya na tuloy makatulog.

Maya-maya'y ito din ang sumuko sa pag aalis ng mga braso niya.

She heard his frustrated sigh. Hinayaan na lamang siya nito.

Napangiti naman siya. Naririnig niya ang pagpintig ng puso nito. Steady lang iyon hindi katulad ng pagtibok ng puso niya. Tila musika sa kanyang pandinig ang pagpintig ng puso nito.

'In love na yata talaga ako.'

"Loven..."

"Bakit?" mas malamig pa sa yelong sagot nito.

"Hatid mo naman ako sa bahay ko. You see, iniwan ako ni Jake. Ayoko namang magtaxi. Narinig kong uso ngayon ang holdapan, patayan, kidnapan... baka marape pa ako ng di oras. Ayokong ipagkatiwala ang kagandahan ko sa taxi driver."

Hindi ito sumagot.

Tumingala naman siya dito. Nakasalubong niya ang tsokolateng mga mata nito.

"Please?" pinagbuti niya ang pagmumukhang kaawa-awa.

Ilang saglit itong nakatingin sa kanya bago umiiling na bumuntong hininga. Iniiwas nito ang paningin at muling sinubukang alisin ang mga braso niya.

Napasimangot naman siya. Hinigpitan niya ang yakap para hindi nito maalis ang braso niya.

"Loven," protesta niya pa.

"Alright! Ihahatid na kita. Now, take your hands of me!"

Nagliwanag naman ang mukha niya.

Lumuwag ang pagkakayakap niya dito kaya naalis na nito ang mga braso niya.

Tumalikod na ito at nauna nang naglakad.

"Wait, Loven." Hinabol

niya ito. Pero nahilo naman siya kaya napaluhod siya sa marmol na sahig. "Ouch!"

Dali-dali namang bumalik si Loven at dinaluhan siya.

"You're drunk," naiiling na sabi nito habang inaalalayan siyang tumayo. "Kung bakit naman kasi binantayan mo ang tequilla."

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now