CHAPTER SIXTEEN

4.2K 127 2
                                    

CHAPTER SIXTEEN

PABAGSAK NA umupo si Yhen sa sofa pagkadating niya sa bahay.

Feeling niya ay pagod na pagod siya.

Oo nga pala. Pagod nga siya. Pagod ang puso niya dahil sa sakit na nararamdaman kanina. Pero hindi ibig sabihin niyon ay susuko na siya kay Loven. Ngayon pang may improvement na ang pakikitungo nito sa kanya?

Mula ng manggaling sila sa opisina nito ay naging mas gentleman at maasikaso ito sa kanya.

Ibig sabihin lang ng sakit na nararamdaman niya ay dahil umiibig na siya.

Ipinikit niya ang mga mata ng mariin.

Maya-maya ay narinig niya ang pagtunog ng telepono. Nagmulat siya ng mata at tinatamad na dinampot ang telepono na nasa gilid lang niya.

"Hello?"

"Yhen, is that you?" anang tinig ng babae sa kabilang linya.

There's American accent on her voice. Nagkaroon siya ng idea kung sino ito.

"Yes, it's me..."

"Thank goodness! I finally contact you!" tili nito.

"You're Clarisse, right?"

Clarisse is her business partner and manager in her modelling career.

"Yes, its me. I'm calling at your cellnumber but you're not answering it!"

"I'm sorry about that. I left my phone in silent mode. What's the problem?" Halata kasi sa boses nito ang pamumroblema.

"You don't know?"

"I wouldn't ask if I know."

"Well, you're in the news these past few days until now. I don't want to ruined your grand vacation so I tried everything just to stop it but it still went through.."

Ayon dito ay pinag-uusapan na sa New York ang biglaang pag-uwi niya sa Pilipinas.

"Guess what? New York already knew that you're now in the Philippines. I think same goes in there," sabi pa nito. Sinabi pa nito na ilang beses may tumawag na Filipino talkshows dito para itanong kung saan siya matatagpuan sa Pilipinas. Nanghihingi rin ng appointment para mainterview siya.

Napakunot noo naman siya. Secret vacation niya ito. Si Clarisse lang ang nakakaalam ng tungkol dito. Paanong nakalabas ang balitang ito?

She knew that she's one of the high paying Filipina models in New York. But never in her whole model life na nasama siya sa balita doon. Bakit ngayon ay tila pinagkakalumpunan yata ng mga ito ang simpleng pagbabakasyon niya sa Pilipinas?

"H-how did they know?"

Napahawak siya sa ulong nagsisimula nang sumakit.

"That's what I'm gonna ask you, Yhen. I didn't tell anybody here about your so-called vacation. I think the answer is in you. What happened, Yhen?"

"I don't know, Clarisse..." Wala siyang maisip ngayon. Pakiramdam niya ay punung-puno ang utak.

Marahas namang napabuga ng hangin ang nasa kabilang linya.

"Okay, let's put it in this way. Did you talk to anyone who know you as the model-designer Yhen Medina? Or a celebrity friend you met there..." marami pa itong sinabi pero hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin.

Naalala niyang bigla ang pagkikita nila ni Jenny sa aniversary ng parents ni Loven. Natatandaan niyang isa daw itong news caster sa New York and she asked questions na sinagot niya naman lahat.

YHEN: The Next BrideOù les histoires vivent. Découvrez maintenant